^

PSN Opinyon

Pagbibigayan, pagtitimpi, naglalaho muli sa mundo

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

“HINDI ako panig sa sinasabi mo, pero ipagtatanggol ko hanggang kamatayan ang karapatan mong sabihin ‘yon,” sinulat ni Evelyn Beatrice Hall sa biography ni Voltaire, 1906. Napakalakas na depensa sa kalayaang magsalita. Hindi pa sinusulat ang kasaysayan, laganap na ang konsepto ng pagbibigayan sa pananaw ng isa’t isa; kundi’y naubos na sana ang tao dahil nagpatayan hanggang sa huli. Marami ring sinaunang sibilisasyon na nagtaguyod ng pagtitimpi. Tandaan sana ‘yan ngayon, bago mag-troll, magmaliit, at manglait sa social media ng hindi nagu­gus­tuhang sinasabi ng iba.

Umangat ang karunungan, agham at ekonomiya ng ancient Egypt, Rome, at Greece dahil sa pagbibigayan. Naging malayang paunlarin ng indibidwal o grupo ang ideya, at nakatulong sa lipunan; halimbawa ang mga imbensiyon na nagpadali sa pag-ipon ng maiinom at pagpa­dami ng pagkain. Pero nang sikilin ng mga namumuno o ng kulto ang kalayaan ng pagbigkas -- halimbawa pina­inom ng lason si Socrates -- bumagsak ang mga kabihasnan. Naulit pa ‘yan sa Ottoman Empire, na daan-taong isinabatas ang pagtitimpi sa katwiran ng iba. Pero nu’ng dalhin doon ang away-away ng ilang sekta ng Kristiyano, Muslim, Jehovah, at iba pa, naggiyera-giyera ang mga bansa. Wasak!

Sa panahon ng Facebook, YouTube at Twitter, ang dali nang maglahad ng sinasaloob. Lahat malayang luma­hok. May mga umaabuso, nanghihikayat ng poot at kara­hasan. Binabawal sila at hina-hunting ng mga awtoridad dahil maaaring terorista.

Karamihan sa social media ay mapayapang nagpapahayag. Pero merong mga hindi marunong tumanggap at sinasagot sila nang pabalang. Ginagamit ng trolls ang teknolohiya para gunawin ang modernong mundo. Huwag silang pahintulutang ulitin ang mga mali ng kasaysayan.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

JARIUS BONDOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with