^

PSN Opinyon

Walang karapatan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SINABIHAN ng Malacañang ang China na wala silang karapatang pumasok o pumalibot sa Kota Island. Ang island ay nasa ilalim ng Pilipinas noon pang 1968. Ayon sa Malacañang, sa kabila ng pakikipagkaibigan ng Pilipinas sa China, lalo na sa kalakalan at ekonomiya, “igigiit natin ang ating soberenya kapag ito ay minaliit o sina­lakay “.

Pero kung pupurihin na sana ang Malacañang para sa katayuang ito, mabilis na idinadagdag na “magbibigay ito ng makatuwirang oras sa China upang tumugon sa ating protesta,” na agad daw isasampa ni DFA Sec. Teddy Boy Locsin. Kaya?

Napapansin ang ibang pagtugon ng China sa Vietnam sa kanilang ginagawang rehabilitasyon. Kinokontrol ng Vietnam ang higit pang mga lugar sa Spratlys kaysa sa Pilipinas, at patuloy silang may mga pag-upgrade sa kanilang mga pasilidad. Ngunit hindi nakikitang pinaliligiran ng mga barko na hindi gumagalaw. Walang mga barkong pangisda, militia, coast guard o militar ang nakapaligid sa anumang hawak na isla ng Vietnam.

Tila mas interesado ang China sa mga nangyayari sa Pag-asa at Kota Island. Nagiging paborito tayo na hindi naman inaasahan. Ito ba ay dahil alam ng China na ang Vietnam ay hindi tatahimik o magtitimpi sa anumang pagsalakay sa kanilang teritoryo? Dahil ba ilang beses narinig si President Duterte na nagsabing walang kalaban-laban ang militar ng Pilipinas sa lakas ng militar ng China?

Ano ang layunin ng mga barkong nakapaligid o puma­palibot, na kadalasan ay tumatanggap pa ng mga suplay para makatagal pa sa karagatan? Naghihintay lang ba sila ng utos mula sa Beijing kung kailan sasalakayin ang mga isla?

Ang Vietnam at China ay may kasaysayan ng armadong salungatan, hinggil sa mga islang pinagtatalunan. Nagtapos ito sa pagkontrol ng China sa ilang isla. Ngunit sa kabila nito, tila hindi pinapansin ng China ang mga gawain sa mga lugar na kontrolado ng Vietnam. Ang mga hindi malinaw na probisyon ng ating Mutual Defense Treaty (MDT) sa US ba ang dahilan kung bakit malakas ang loob ng China na magpadala ng napakaraming barko sa Pag-asa?

Ang mga isla na kontrolado ng Pilipinas ay hindi pormal na kinikilala bilang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas. Ganundin ang mga islang kontrolado ng ibang bansa. Sa haba ng pisi ng China, naglikha ng mga artipisyal na isla sa karagatan, kung saan may mga paliparan na maaaring itapat sa anumang paliparan sa mundo. Naglapag na nga ng eroplanong pandigma na may kakayahang magdala ng sandatang nuclear. Ganun pa man, hindi pa rin masiyahan ang China.

Oo, kailangang masuri nang husto ang MDT, nang hindi tayo mabigla na lang balang araw.

KOTA ISLAND

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with