Tubig! Krisis lalala muna bago malutas

BATAY sa Murphy’s Law, kung merong maaring sumab­lay, mangyayari nga. At ‘yan ang sanhi ng krisis sa tubig sa kalahati ng Greater Manila simula Marso.

Pinalpak ng Manila Water Company ang napipintong shortage noon. Imbes na agad nagrasyon ng tubig sa customers sa concession area, inubos halos ang reserba sa La Mesa Dam kung kelan nagsisimula pa lang ang El Niño drought. At nang sumabog ang krisis, ibinintang nito lahat sa kawalan ng ulan.

Mas malaki ang kapalpakan ng gobyerno. Nagpatumpik-tumpik ito sa pagdagdag ng pagkukuhaan ng tubig na ipapadala sa mga bahay-bahay. Ang unang plano ay ipaubaya sa concessionaires, Manila Water at Maynilad Resources, ang pagdagdag ng supply. Tapos iginiit ng MWSS (Metropolitan Waterworks and Sewe­rage System) at NEDA (National Economic Development Authority) nu’ng panahon ni Pres. Noynoy Aquino na gobyerno lang ang maaring gumawa nito. Pero wala silang ginawa. Bago matapos ag admin nila, nagmungkahi ang San Miguel Corp. na gagawa ng dam sa Laiban at Kaliwa Rivers sa kabundukang Sierra Madre ng Rizal-Laguna. Walong bilyong litro ng tubig ang nasasayang araw-araw, umaagos patungong Pacific Ocean, na ma­aring ibaling patungo sa mga kabayanan. Kinapos sa oras. Nu’ng Duterte admin, sinabing papopondohan na lang sa China ang dam, pero hindi umandar ang pro­yekto.

Mamamayan ang nasaktan sa kapabayaan. Sa buo-buong siyudad at distrito, naging tigang ang mga gripo nang ilang linggo. Napuyat ang mga naninirahan sa kahihintay sa mga konting trucks ng rasyong tubig. Maraming­ nagsarang mga negosyo: restoran, laundry shops, car wash, beauty parlors, dental clinics, atbp. Pumasok ang mga tao sa trabaho o eskuwela nang hindi naliligo o nalabhan ang uniforms. Pinaka-kawawa ang mga pasyente sa ospital -- bingit-buhay pero walang ... tubig!

Show comments