^

PSN Opinyon

Paglinis ng Manila Bay sinuway ng gobyerno

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NU’NG Enero 1999, pinasimunuan ni environment lawyer­ Tony Oposa ang ambisyosong kaso sa korte na ipalinis sa gobyerno ang Manila Bay. Napaka-baho, dumi, at itim ng dagat noon. Para malanguyan, dapat ang bacteria sa tubig ay ‘di tataas sa 100 units lang kada cubic meter. Ang Manila Bay ay isang milyong units na, ani Oposa.

Disyembre 2008, makalipas ang sampung taon ng masalimuot na bista, nanalo si Oposa sa Korte Suprema. Hindi lang pina-rehab ang Manila Bay, kundi pinag-report pa tuwing tatlong buwan kung ano ang nagawa ng mga ahensiya. Sakop ang Depts. of Environment and Na­tural Resources, Interior and Local Government, Health, Bud­get and Management, Public Works and Highways, Education, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, PNP-Maritime Command, Coast Guard, Ports Authority, Metropolitan Waterworks and Sewerage System, Local Water Utilities Administration, Laguna Lake Development Authority, Metro Manila Development Authority, at mga mayor, gobernador, at chairmen ng lungsod, bayan, probinsiya, at barangay sa paligid ng Manila Bay. Kasali pati ang mga pook na dinadaluyan ng mga ilog patungong dagat. (Kinailangan pa ang isang Bisayang si Oposa para ipaglaban ang kalinisan ng Manila Bay.)

Sa lawak at lalim ng kautusan ng Korte, umasa ang mamamayan ng pagbabago. Mapapatupad na ang Solid­ Waste Management Act, Clean Water Act, atbp. mga batas­ sa kalikasan at kalinisan.

Pero ang batas sa Pilipinas ay suhestiyon lang, nabatid ni Oposa. Sunud-sunod na mga opisyales ang sumuway sa Korte. Wala ni isang naparusahan.

Ngayon, makalipas ang sampu pang taon nang walang paglilinis, lumala ang sitwasyon. Ang bacteria level sa Manila Bay na dating isang milyong units kada cubic meter ay 330 milyon na.

Inidoro na hindi na-flush ang tawag ni Oposa roon.

MANILA BAY

TONY OPOSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with