^

PSN Opinyon

Sariling tauhan ng CPP-NPA pinapatay

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

DESPERADO na ang kilusan ng komunista kaya mga sari­ling miyembro ay pinapatay upang ibintang sa gobyerno. Anang isang mapapanaligang source na miyembro ng kadre ng CPP, sa kilusan nanggaling ang utos na itumba si National Democratic Front of the Philippines consultant Randy Malayao.

Pinatay si Malayao sa isang bus patungong Cagayan kamakailan. Ayon sa impormante  na si Ka George, mayroon siyang mga ebidensya na magpapatunay sa alegasyon niya.Naalala ko ang Plaza Miranda bombing bago mag-martial law. Itinuro ng kilusan na ang may kagagawan ay si Marcos. Pagpasok ng dekada 80, may isang kadre na nagbunyag na si Joma ang nag-utos. Grabe!

Si Malayao ay dating VP ng CEGP.  Sumanib siya sa kilusan noong 1992. Nahati  noon ang kilusan sa RA (re affirming the Leadership of JOMA and adopting the Maoist line of guerilla warfare) at RJ (Rejecting the leadership of JOMA), at REJOICE (3rd block) na kalaunan ay pinanga­lanang MAKABAYAN.

Si Malayao ay produkto ng pagwawasto at sumapi sa RA.

Bahagi ng pagwawasto ng RA ay eksperimentong pag­lahok sa parliamentary struggle sa pamamagitan ng pag­papatakbo ng partylist groups gaya ng Bayan Muna, Ga­briela, Anakpawis, Migrante, ACT, Kabataan, Piston at ipa­loob sa isang political party gaya ng Makabayan.

Isang bahagi ng eksperimento ay pagpapatakbo ng konsehal, mayor, congressmen, at senador ng CPP, gaya nina Satur Ocampo, Lisa Masa, Teddy Casiño, at Neri. 

Ginamit lang daw ang  parliamentary struggle at Partylist operations ng Kilusan bilang source of funds ng CPP para suportahan ang NPA. Milyun-milyong pondo ang nakuha nila sa partylist ops at sa pakikipag-alyansa sa mga traditional na partido at indibidwal.  Anang ating source, ibinebenta ng partylist ang kanilang boto para sa sino mang kandidato kahit salungat sa interes ng masa ang pananaw ng pulitiko. Dagdag pa ng New Guard Kadre, hindi na nagustuhan ni Malayao ang pamamalakad sa kilusan maging ang pagdududa sa kanya kaya pagbalik niya sa Pilipinas ay nagpasya siyang magpahinga muna.

Nagduda sa kanyang katapatan ang kilusan kaya pinatay.

Isang isyung pinagtatalunan sa look ng kilusan ang pagiging diktador ni Sison. Kung noon ay may tatlo o apat na Old Guards pa ang nagpapasya sa kilusan ngayon ay mas lumala pa ito. Imbes pasya ng nakararami, desisyon lang ni Sison ang nasusunod.

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES

RANDY MALAYAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with