^

PSN Opinyon

Dapat bang managot ang mga magulang?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SA pakikipagpalitan ko ng kuru-kuro sa social media, hati ang taumbayan sa usapin kung dapat panagutin ang mga magulang kung sa maagang edad ay mapariwara ang mga anak at maging kriminal. Para sa akin ay depende sa sit­wasyon. Dapat munang siyasatin ang mga magulang upang tiyakin na bunga ng kanilang kapaba­yaan at sariling panghihikayat kung kaya naging kriminal ang isang bata.

Puwede rin kasing masira ang ugali ng bata dahil sa udyok ng mga kabarkada sa lipunang ginagalawan nila. Kung minsan, gaano man katumpak ang pagpapalaki ng magulang sa anak, may mga influential factors na ma­a­­aring makaapekto sa ugali ng bata. Sa ganyang kaso, hindi makatarungang panagutin ang mga magulang. Gayunpaman, tungkulin din ng magulang na gabayan ang mga anak lalo na sa pagpili ng mga kaibigan.

Nais ni President Rodrigo Duterte na sa binubuong batas na ibi­na­baba ang age of criminal accountability sa edad na dose anyos, dapat ding patawan ng parusa ang magulang ng batang naging kriminal.

Payag ako diyan kung mapapatunayan na dahil sa neg­ligence o kapabayaan ng magulang ang pagkapariwara ng anak. O kaya ang magulang pa mismo ang nag­tutulak sa bata na gumawa ng krimen o pumasok sa prostitusyon. Maraming ganyang kaso. May mga magulang na ibinubugaw pa sa mga pedophiles ang kanilang mga menor-de-edad na anak. Yung iba, tinuturuang mag­nakaw kung hindi man magbenta ng bawal na droga. Nakalulungkot pero ito ay isang katotohanan sa isang bansang dumaranas ng kahirapan.

Ang katuwiran ng mga magulang ay nais lang nilang magkaroon ng ikabubuhay. Hindi rason ang kahirapan para gumawa ng krimen kaya ang magulang na nagbubulid sa sariling supling na gumawa ng krimen ay dapat parusahan.

Ang sabi sa Mateo 18:16 ang sino mang magtutulak sa isang musmos na gumawa ng kasalanan ay dapat parusahan. Hindi porke ikaw ay ama o ina ng iyong anak ay maaari mo nang ipag-utos ang kahit anong bagay.

Ang bata ay maaari pang hubugin ng tama kahit nagkamali. Kaya ang kailangan sa mga tinatawag na children in conflict with the law ay isailalim sa rehabilitasyon at hindi ikulong kasama ng mga matatandang kriminal.

CRIMINAL LIABILITY

SOCIAL MEDIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with