^

PSN Opinyon

Ikulong lahat ng employer na di nagbabayad ng SSS!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

SIGURADO maraming aping empleyado ang magbu­bunyi kapag kinulong ang mga employer na di naghu­hulog ng SSS contributions.

Makaganti man lang sila sa ilang taong kayod-kala­baw na pagtatrabaho pagkatapos ay pinipendeho lamang ng mga employer ang kanilang mga benepisyo.

Hindi mo na mabibilang sa daliri ang bilang ng mga among ganito. Parang hindi na naubos ang problema sa social contributions, sa aming action center lang, araw-araw ay ganito ang tema ng mga reklamo.

Kada araw mayroong panibagong pobreng lalapit at magpapatulong makuha ang benepisyo. Kailangan siguro ng ibang pamamaraan para mabawasan ang mga ganitong estilo.  

Nakasaad naman sa batas, malinaw na malinaw, trabaho ng employer na asikasuhin ang benepisyo ng kanyang tao. Kesyo contractual, kesyo casual keseho­dang per project.

Basta mayroong employee-employer relationship, karapatan ng empleyado na magkaroon ng bene­pisyo.

Nakamandato rin na 6 to 12 years ang parusang pagkakakulong sa sinumang lalabag sa batas (SSS Law). Marahil maraming employer ang malakas ang loob dahil konti lang ang nasasampolan.

Sabi ko nga, kung talamak ang mga manyak na Arabo sa ibang bansa, dito sa Pinas nagkalat naman mga barat at abusadong employer. Simpleng SSS, Phil­health at Pag-IBIG lang, hindi pa magawang i-remit.

Gusto namin may mga nakukulong para mabawas-bawasan ang trapik sa kalsada. Ipasok sila sa kulu­ngan at maghimas ng matatabang rehas.

Doon sila magsiksikan sa amoy utot, amoy pawis, amoy anghit na selda.

Magkakaipot-ipot sigurado ang SSS sa rami ng kailangang idemanda. Sa rami ng mga pasaway, baka kailanganin pa ang isa pang ahensya.

SSS CONTRIBUTIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with