^

PSN Opinyon

Wala pang kasunduan

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

WALA pang kasunduan ang Pilipinas at China tungkol sa posibleng joint exploration sa pinagtatalunang West Philippine Sea of South China Sea. Kung gayon, ano ang pinirmahan ng mga delegasyon ng Pilipinas at China nang dumalaw sa bansa si Chinese President Xi Jinping?

Ito’y isa pa lang Memo of Understanding (MOU) at hindi pa Memo of Agreement (MOA) na malaki ang pagkakaiba. Iyan ang nilinaw ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin na nagsabing nakita niya at nabasa ang naturang papeles na nilagdaan nang kung ilang ulit. Kaya kung may mga agam-agam tayo na maaaring pabor sa China ang kasunduan at malulugi ang Pilipinas ay puwede pang huminga ng maluwag.

Ngunit gaya nga ng sinabi ni Supreme Court Justice Antonio Carpio, dapat pa rin tayong maging vigilant. Si Carpio mismo ang nagsabi na walang nalabag na probis­yon sa Konstitusyon ang dokumentong nilagdaan kama­kailan dahil ito’y mga puntos lamang na posibleng pagkasunduan ng dalawang bansa sa sandaling magpas­yang pumirma na ng MOA. Tama, vigilance is the name of the game. Naniniwala ako kay Carpio dahil siya ay hindi umaayon nang lubos sa mga policy ng Pilipinas sa kontrobersyal na  karagatan.

Samantala, nilinaw din ni Locsin na igagalang ng Pili­­pinas at China ang magkaiba nilang legal stand sa pinag­tatalunang karagatan kung dumating man ang puntong lalagda ng kasunduan.

Kaya naman dapat talagang maging transparent ang pamahalaang Duterte sa ganyang mga kasunduan at walang dapat ilihim sa taumbayan dahil tayong mga mamamayan ang may stake sa usaping ito. Ayaw nating dumating ang panahon na masasakop na ng tuluyan ng mga Chino ang ating bansa. Ngayon nga lang ay nakakapangamba ang pagdagsa ng mga illegal Chinese na nagtatrabaho sa ating bansa. Dapat aksyonan ito ng ating pamahalaan.

MEMO OF UNDERSTANDING

WEST PHILIPPINE SEA

XI JINPING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with