Ngayon na ang E-Gates sa NAIA
GAGAMITIN ngayon araw na ito ng Bureau of Immigration ang pinaka-aabangang Electronic Gate System o E-Gates, ang makabago at hi-tech machines sa 11 immigration counters gates sa NAIA Terminal 1 at 3, sa pagsisikap para higit pang mapabuti ang pag-proseso ng mga internasyonal na pasahero at mabawasan ang mahabang queue ng madlang biyaherong pinoy only sa paliparan.
Sina Justice Secretary Menardo Guevarra, Commissioner Jaime Morente at BI Deputy Commissioner at con-current head ng Port Operations Division Marc Red Marinas, ang nanguna para sa paglulunsad ng P329-million project na funded ng national government at ito ay isang inisyatibo ng International Air Transport Association o IATA sa pamamagitan ng kanyang Fast Travel program.
Ikinuento ni Marinas, na ang proyekto ay nasa experimental phase, ito ay pansamantalang gagamitin ng madlang pinoy passengers only na may machine readable passports.
Ayon kay Marinas, ang mga bata, mga senior citizen sa wheelchairs, at iba pang may kapansanan travelers ay ipo-proseso sa regular na mga BI counters.
Tirada ni Marinas, sa pamamagitan ng E-Gates, mababawasan ang mga human errors sa mga passengers clearing processes, inaasahan din nila na magiging maiksi ang magiging standard processing time para sa bawat traveler nang 8 to 15 seconds mula sa kasalukuyang average ng 45 segundo.
Sinabi ni Marinas, na nilagyan ng mga modernong mga tampok ng seguridad tulad ng facial recognition, biometric scan, bar code reading, at smart card recognition ang lahat na ito ay pinagsama sa isang sistema, ang mga modernong ‘E-Gates’ ay magbibigay ng mas mabilis na pag-proseso sa madlang pinoy only at mapahusay ang kakayahan ng BI upang matukoy o tuklasin ang mga biyahero na may derogatory records, kasama ang mga wanted at mga taong nasa immigration blacklist, watchlist at hold departure list.
Ang pinaka-mahalagang tampok ng proyekto, ay ang ‘mabilis na paglalakbay at accurate border clearing system at pupuksain ang mga error sa passenger verification at magbigay sa bureau nang isang mabilis na sistema na tiktikan ang mga persons ng interest na sinusubukan upang makalabas ng Philippines my Philippines.
Ipinagmalaki ni Marinas, ang kanyang mga Travel Control Enforcement Unit o TCEU na mga pinuno sa Terminal 1 Glenn Comia (ngayon ay nasa Terminal 3), TCEU head NAIA Terminal 3 Den Binsol (ngayon ay nasa Terminal 2) at Head executive assistant for operations Fidel Mendoza, ang mga ito ay nakaranas ng makabagong sistema sa pagbisita sa Canada at Taiwan noong nakaraang taon at nagtrabaho ng seryoso na makuha ito at madala sa Philippines my Philippines sa ating bansa.
Sa ilalim ng lumang o karaniwang pamamaraan, ang isang pasahero sa pagdating sa NAIA, ay naka-queue at pagkatapos ay ibinibigay ang kanyang passport sa immigration counter officer. Matapos ang mano-manong proseso, ang IO ay inilalagay ang arrival stamp sa passport.
Sa pamamagitan ng ‘E-Gates’ sa inilagay na mga lugar, isang pasahero lang ang diretsong pupunta dito, isa- swipes ang kanyang passport at boarding pass at sa sandaling tapos na, may isang pang pinto ang magbubukas upang makuha ang kanyang mga facial at biometrics data. Sa paglabas nito ang pasahero ay makakakuha ng sticker at ilagay ito sa kanyang sariling passport.
Ang mga hindi nakakaalam ng mga gagawin o may problema sa kanyang passport ang nasabing pinto na dapat niyang pasukan ay hindi magbubukas at sa problemang ito ay may mga lalapit sa kanyang taga - TCEU.
Sabi ni Marinas, isang BI supervisor din ang lalapit sa pasahero at dadalhin ito sa kanya sa opisina para sa manual processing.
Ayon kay Marinas, may isang IO ang nakaposte sa ‘E-Gates,’ na tutulong sa mga pasahero.
Sabi nga, ang paggamit ng E-Gates ay tiyak na ikatutuwa ng mga OFW’s dahil sa mabilis na proseso.
- Latest