^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Hindi na maghihintay ang mga tao

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL – Hindi na maghihintay ang mga tao

ISANG bagong batas ang nilagdaan ni President Duterte noong Lunes na naglalayong wakasan na ang bureaucratic red tape na namamayani sa go­vernment institutions. Ang batas, Republic Act 11032 o The Ease of Doing Business Act of 2018 ay magpapabilis sa mga transaksiyon sa gobyerno at maiiwasan na ang mga nangyayaring red tape. Sabi ng Presidente, magiging simple na ang requirements at procedures ng sinumang makikipag-transaksiyon sa alinmang tanggapan ng gobyerno. Hindi na rin aabutin ng siyam-siyam ang pagpro­seso ng mga papeles na para bang naghihintay ng “lagay” ang mga taong gobyerno. Sa batas na ito, hindi na kailangang pumila nang pagkahaba-haba ang mga tao at pagkatapos ay pababalik-balikin pa. Wala na ang ganito sa bagong batas.

Mariing sinabi ng Presidente na ang lahat ng ahensiya ng gobyerno ay kailangang iproseso ang mga simpleng transaksiyon sa loob ng tatlong araw at ang mga complex transactions ay pitong araw. Kapag masyadong technical ang transactions, 20 araw itong ipoproseso. Huwag nang pababalik-balikin pa o paghihintayin ang mga taong nakikipag-transact. Tatlong signatories lamang din ang kaila­ngan sa mga aplikasyon sa lisensiya, clearances, certifications at authorizations. Ipatutupad din ang zero-contact policy sa ilalim ng batas.

Matagal nang inirereklamo ang mahabang pila sa mga ahensiya ng gobyerno lalo na ang mga nag-aaplay at nagre-renew ng lisensiya at mga business permit. Maski ang simpleng pagkuha ng driver’s­ license ay pumipila ang mga aplikante at kung sinu-sino pa ang pumipirma. Pati ang pagkuha ng building­ permit o pag-aayos ng mga titulo ng lupa ay pinahihirapan sa pagpila ang mga tao.

Sa pagkaka-implement ng RA 11032, inaasahang gagaan na ang pakikipagtransaksiyon sa government institutions at higit sa lahat mapuputol na ang red tape at mga katiwalian na nakasanayan na ng mga taong-gobyerno. Maipatupad naman sana ito nang maayos at hindi magniningas-kugon sa pagtagal ng panahon.

BUREAUCRATIC RED TAPE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with