^

PSN Opinyon

Surplus hindi sa junkshop - Napat

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Nakausap ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Hilbert Napat, ang may-ari ng Dimple Star Bus, na nadisgrasiya sa Sablayan, Occidental Mindoro last March 20.

Sabi nga, marami ang namatay dito at mga sugatan pa­sahero!

Naikuento ni Napat sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na pangkaraniwan lamang siyang nilalang ni Lord bagama’t  medyo umasenso na sa buhay sa sariling pagsisikap sa tulong at paniniwala niya sa Dios.

Ayon sa kanya, hindi biro ang naranasan niyang hirap noon pero nagtiyaga siyang mag-aral ng vocational course sa loob ng dalawang taon para matutong maging mekaniko ng mga sasakyan. Dahil sa kurso nakapunta siya sa Saudi Arabia para doon magtrabaho.

Matapos makaipon nang kaunting puhunan para magnegosyo ay bumalik siya sa Philippines my Philippines at bumili nang isang bus sa surplasan. Inaayos niya ito at pininturahan para magmukhang bago. Siya rin ang naging driver nito ng aprubahan ng LTFRB ang kanyang permit para makabiahe sa Alabang/Lawton noon.

Sabi ni Napat, mahabang panahon din niyang naipundar ang kanyang bus company sa pagtitiis at pagsisikap na umunlad. Hanggang sa dumating ang araw na naaksidente ang kanyang bus na kahit sino man ay walang may kagustuhan.

Inamin ni Napat sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na hirap siyang makapagsalita at hindi gaanong nakakaintindi ng ‘english.’ Ito aniya ang isa sa mga dahilan kung bakit niya nasabi noon sa pakikipagpulong niya sa LTFRB na sa junkshop niya nakuha ang mga piesa nang bus na nadisgrasya imbes na sa sarplusan niya ito nabili.

‘Humihingi siya ng paumanhin sa madlang public sa nangyari dahil hindi niya agad naintindihan ang salitang ‘english’ na itinanong nila sa akin?’ Paliwanag ni Napat.

‘Lahat ng magagawa ko para tulungan ang pamilya ng mga namatayan at nasugatan ay ginawa ko hinarap ko ang mga obligasyon ko sa kanila dahil dama niya ang pait na nararanasan nila dahil sa disgrasiya.’ Kuento ni Napat sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO.

Humihingi ng pang-unawa si Napat sa madlang people gayon din sa gobierno sa hindi sinasadyang pagkakabigkas niya ng salitang ‘junkshop’ pero ang gusto niyang sabihin ay ‘surplus.’

‘Dahil sa english ang usapan ay nalito ako kasi nga hindi ako gaanong nakakaintindi ng salitang ito at hindi rin ma­runong magsalita kaya imbes na surplus ay junkshop ang nasabi ko nang mabili ko ang materyales para sa bus na nadisgrasiya noon.’ Paliwanag ni Napat.

Hindi pinabayaan ni Napat at hindi rin tinalikuran ang kanyang pananagutan sa mga namatay at nasugatan.

‘Marahil isang pagsubok ito sa kanyang katatagan!’ aniya.

Abangan.

DIMPLE STAR BUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with