^

PSN Opinyon

EDITORYAL - ‘Gawin ang tama’sa DOJ

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - âGawin ang tamaâsa DOJ

“DO what is right.” Ito umano ang sinabi ni President Duterte makaraang panumpain bilang bagong Justice Secretary si Menardo Guevarra noong Huwebes. Si Guevarra, dating Senior De­puty Executive Secretary, ang ipinalit ng Presidente kay dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na nagbitiw sa puwesto.

Makahulugan ang sinabi ng Presidente kay Guevarra. Kung pakaiisipin, mabigat ang dahilan kung bakit niya hinayaang mawala na sa kanyang Gabinete si Aguirre na naging campaign supporter niya noon. Hindi na rin niya pinanghinayangan ang pagiging magkaklase nila at magka-frat sa San Beda College of Law. Sa mga talumpati ni Duterte, lagi niyang binabanggit ang pagiging classmate nila ni Aguirre at pinupuri niya ito dahil matalino sa klase.

Bago ang pagbibitiw ni Aguirre, kumalat na ang balita sa mga pahayagan na mayroong sisibaking mataas na Cabinet Secretary si Duterte pagkatapos ng Semana Santa. Hanggang sa mapabalita na si Aguirre nga ang opisyal. Bago ang Semana Santa, nagkaroon muna ng kontrobersiya makaraang pawalang sala ng dalawang prosecutors ng DOJ ang confessed drug lord na si Kerwin Espinosa at iba pa. Mahina umano ang ebidensiya sa mga ito.

Sa pagkakaabsuwelto ni Kerwin, kumalat naman ang balitang napasuntok ang Presidente sa pader at namaga ang kamao  nito. Nagbanta rin ito na kapag nakalaya si Kerwin at iba pang drug lords, ipapalit niya sa kulungan si Aguirre.

Kahit na walang sinasabi ang Malacañang sa tunay na dahilan nang pag-drop ng Presidente kay Aguirre, malinaw na may kaugnayan ito sa pag-absuwelto kay Kerwin at iba pa. Bukod pa rito, may mga nauna ng kontrobersiya kay Aguirre kaugnay sa dalawang Immigration officials na nanghingi umano ng lagay sa isang Chinese businessman.

Malinaw ang tagubilin ng Presidente kay Guevarra. Gawin ang tama. Ibangon ang DOJ at sikaping maibalik ang tiwala ng publiko.

JUSTICE SECRETARY SI MENARDO GUEVARRA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with