^

PSN Opinyon

Sino ang kapalit ni Albayalde?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MATAAS ang expectations ni Department of Interior  and Local Government (DILG) secretary Eduardo Ano kay incoming Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde. Sa ipinakitang gilas ni Albayalde noong ASEAN Summit, naging matagumpay ang pagbibigay ng seguridad sa mga head of state kaya hinangaan tayo sa buong bansa. Malaking bagay din ang nagawa ni Gen. Nap Taas sa security preparation.

Sa panig ni Albayalde naging aktibo ang mga pulis subalit meron pa rin naging pasaway noon kaya nakatikim sila ng sermon at ang ilan ay na-relieve sa puwesto matapos mahuling nagti-text at naninigarilyo. Noong nagdaang Pasko at Bagong Taon tumaas man ang stray bullet incident, marami rin naman ang naaresto at nasampahan ng kaso. At nitong katatapos na Semana Santa, masasabi kong bumaba ang crime rate dahil nakakalat ang mga pulis sa Metro Manila.

Walang kapaguran si Albayalde sa paglilibot sa police stations kaya marami siyang nahuling natutulog at umiinom ng alak. Tatlong police officials ang kanyang sinibak dahil sa kapabayaan. Umaabot na sa 279 na pulis ang nadismis, 829 ang nasuspinde, 99 ang na-demote at 365 ang naipatapon sa Mindanao. Nais ni Ano na linisin muna ni Albayalde ang imahe ng PNP nang mahigitan nito ang sinimulang pagbabago ni outgoing PNP chief Ronald dela Rosa. Tiyak ko na uunahin ni Albayalde ang pagsibak sa mga tamad at korap na mga pulis sa buong bansa dahil dito nakasasalay ang kanyang kredibilidad. Sayang naman ang ipinakitang gilas niya kung hindi mawawalis ang mga corrupt na pulis na magpapasira sa magandang sinimulan niya sa NCRPO.

Ang tanong ngayon ay kung sino ang paapalit kay Albayalde sa NCRPO? Kailangan ay isamg opisyal na may taglay na tapang sa pakikipagbuno sa mga sutil na pulis. Kailangan din ay yung opisyal na magaling makipag-usap sa mga residente ng mga barangay. Hindi nagtatago sa kanyang malamig na opisina o nagbibilang ng “tara” mula sa mga ilegalista. Kahit na anong galing ng isang opisyal kung tago naman ito nang tago sa media ay wala ring kuwenta. Ang kailangan ngayon ng sambayanan ay ang malinaw na pagpapahayag ng police officials sa programa ni Duterte laban sa illegal na droga. Abangan!

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SECRETARY EDUARDO ANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with