Ang wakas ng mundo ay hindi naganap
palibhasa’y hula -- masamang pangarap;
Dahil sa takot kong mundo nga’y magwakas
ang katauhan ko’y sa langit umakyat!
Sa Dakilang Ama ako ay nanghiram
ng kanyang karwahe na hila ng araw;
Sa Kanya’y sinabing ang hangad ko lamang
makita kung paanong mundo’y magugunaw!
Pumayag ang Ama at ako’y naglakbay
lahat nang planeta’y nasa ayos naman;
Ang mga asteroids, buntala at buwan
sa ating daigdig ay naglalampasan!
Sa paglalakbay ko ay aking nakita
ang higanteng STAR na ubod ng ganda;
Nang ako’y pumasok ay naroon pala
publisher, editors, mga reporters pa!
Nagb’yahe na akong pabalik sa langit
karwahe ng Ama’y aking isinulit;
Nagtawa ang Ama -- Siya’y hindi galit
Pagka’t tayong tao’y kanya pang tangkilik!