^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Motorsiklo, dapat ibawal sa EDSA

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Motorsiklo, dapat ibawal sa EDSA

PATULOY sa pag-eeksperimento ang Metro Manila Development Authority (MMDA) para mapaluwag ang trapik sa EDSA. Kahapon, nag-dry run sa high occupancy vehicle (HOV) lane. Sa HOV, tanging ang mga private vehicle lamang na may dalawa o higit pang pasahero ang papayagang makadaan. Bawal ang walang pasahero o nag-iisa lamang. Sa pamamagitan ng HOV, hinihikayat ng MMDA ang car pooling para mabawasan ang sasakyan sa EDSA.

Isa rin sa mga eeksperimentuhin ng MMDA ay ang pagbabawal sa motorsiklo na magdaan sa EDSA. Sabi ng MMDA, malaki ang maitutulong na pagluwag sa EDSA kapag ibinawal ang motorsiklo. Napakaraming motorsiklo na nagdadaan sa EDSA at sa pagdami ng mga ito, tumaas din ang bilang ng mga naaaksidente o namamatay. Kahit pa may motorcycle lane sa EDSA, hindi ito ginagamit ng mga nagmomotorsiklo. At dahil dito, marami sa mga motorsiklo ang nasasagi, pumapailalim sa truck o bumabangga mismo sa mga nasa unahang sasakyan. Marami nang namatay sa aksidente at meron din namang mga nalumpo o nabulag dahil sa tindi ng pagkakabangga. Karaniwang dahilan ng aksidente sa motorsiklo ay lasing ang drayber.

Mas maganda ang planong ipagbawal sa EDSA ang mga motorsiklo. Maaaring ang planong ito ang maging susi sa pagluwag ng trapiko sa EDSA. Bukod sa luluwag ang trapik, makaka­iwas pa sa aksidente ang riders. Wala nang iiwa­san ang mga private vehicle at mababawasan ang mga nagaganap na aksidente na kadalasang ikinamamatay ng rider.

Ipatupad ang pagbabawal na makadaan ang motorsiklo sa EDSA. Pero dapat din namang makahanap ang MMDA ng safe na lugar para sa motorcycle riders. Huwag lang basta iwan sila sa ere. Tulungan sila na makasumpong ng safe na daan.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with