^

PSN Opinyon

Lab tests sa babae

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Medyo kakaiba ang sakit ng babae kumpara sa lalaki. Kung ikaw ay edad 40 pataas, kailangan mo ng check-up. Kung may lahi ka ng sakit sa puso, diabetes o kanser, magpa-check up din. Heto ang mga payo ko:

l Bantayan ang Suso – Ayon sa American Cancer Society, lahat ng mga babae ay kailangang mag-examine ng kanilang suso sa edad 20 pataas. Kapag 35 ka na, magpa-mammogram o ultrasound ng suso bawat 2 taon.

l Magpatingin sa OB-gynecologist – Sa mga may asawa o nagtatalik na, kailangan mag-pa-Pap’s smear test at magpa-examine ng puwerta (pelvic exam) sa iyong OB-gyne. Binabantayan ng doktor ang kanser sa matres at impeksyon sa puwerta.

l Magpa-blood test bawat taon – Heto ang mga tests na dapat gawin. Complete blood count (para malaman ang dami ng dugo), creatinine (para sa kidneys), uric acid (para sa arthritis), cholesterol (para sa puso), fasting blood sugar (para sa diabetes), at SGPT (para sa atay).

l Urinalysis – Para masuri kung may impeksyon sa ihi.

l Chest X-ray - Para makita ang baga at puso.

l Ihinto ang paninigarilyo – May 20% ng kababaihan ang naninigarilyo. Ang sigarilyo ay nagdudulot ng kanser sa bibig, lalamunan, baga at bituka. Ihinto ito.

l Limitahan ang pag-inom ng alak – Mas masama ang alak sa babae kaysa sa lalaki. Ito’y dahil mas nasisira ang atay at utak ng mga babae. Huwag makipagsabayan ng inom sa mga lalaki.

l Huwag magpataba – Ayon sa pagsusuri, may 40% na kababaihan ang lampas sa timbang. Magbawas sa kinakain at mag-ehersisyo.

l Alamin ang BP –Ang normal na blood pressure ay 120 over 80. Kapag lumampas ka sa 140 over 90, ang ibig sabihin ay may altapresyon ka na. Magpatingin sa doktor.

l Magpabakuna – Para sa edad 50 pataas, kailangan mo magpabakuna laban sa pulmonya at trangkaso. Ang tawag dito ay pneumonia vaccine at flu vaccine.

l Uminom ng Calcium tablets – Pagkatapos ng menopause (mga edad 50), kailangan ng mga kababaihan na uminom ng calcium tablets. Osteoporosis (marupok na buto) ang pangkaraniwang sakit ng mga babae. Ang calcium ay pampalakas ng buto. Kaya habang bata pa, maganda rin na uminom ng gatas, tulad ng skim milk, para tumibay ang buto.

Kakaiba ang pangangailan ng babae kumpara sa lalaki. Alamin ang sariling katawan at maging marunong sa iyong kalusugan. Magpa-check up!

CANCER SOCIETY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with