^

PSN Opinyon

Bagong Taon, Bagong Buhay

MGA LAMAS SA KINABUHI HINIKAY - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NGAYON 2017, siguro maraming mga bagay ang dapat na nating baguhin para mas magkaroon ang madlang Pinoy ng magandang buhay kahit na pataas ng pataas ang halaga ng gasolina sa Philippines my Philippines dulot kasi ito ng paggalaw ng halaga sa world market.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil na rin sa hindi makontrol ang galaw ng presyo ng krudo sa pandaidigan merkado malamang maapektuhan ang madlang Pinoy sa Philippines my Philippines partikular sa transportasyon, pagkain at iba pang pagtaas ng mga panauhin este mali pangunahin palang bilihin.
Ika nga, huwag naman sana!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang isang pang dapat malaman ng madlang adik, pushers at druglords ay ang lalong paiigtingin ng gobierno ang kanilang kampanya lahan sa pinagbabawal na gamot kaya naman pangalawang araw pa lamang ng Bagong Taon ipinaaabot namin na tumigil na kayo sa inyong masamang bisyo.

Bakit?

Sagot - maaga pa para makasama ninyo si Satanas . Hehehe!

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, maganda ang naranasan ng madlang pinoy sa loob ng halos anim na buwan ni Boss Digong dyan sa Malacañang dahil marami ang nagbago, nabawas at tumino sa takot na tamaan ng kanyang kamay na bakal.

Sabi nga, tama lang ito!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil nakita ng madlang Pinoy ang nangyayari sa kapaligiran marami na rin ang nag-lie-low sa kanilang kawalanghiyaan dahil sa ngayon kumonti ang mandurukot, snatcher, holdaper rapist, echetera.

Bakit?

Sagot - sa takot na mabaon sila sa limot. Hehehe!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa palagay nila mas tatahimk ang mga kriminal at mga walanghiya kung maipapasa sa lalong madaling panahon ang ‘death penalty’ para matigil na ang mga karumaldumal na krimen sa Philippines my Philippines.

Ika nga, dapat lang!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa Bagong Taon siguro dapat nang itigil ang bangayan ng ilang miembro ng gobierno ni Boss Digong at magtrabaho nang normal upang umusad ng maayos ang ating bayan.

Abangan.

* * *

NBI narcotics agents, mabuhay kayo!

NGAYON lamang nangyari sa Philippines my Philippines ang P6 billlion halaga ng 890 kilograms ng shabu na nahuli ng NBI narcotics agents sa San Juan City, kaya naman maraming nagbubunyi rito dahil napilayan ng malaki ang sindikato ng droga.

Sabi nga, buti nga!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, saludo sila sa ginawang intelligence work ng mga tauhan ni NBI Director Dante Gierran dahil sa tiyaga at mahusay na paniniktik sa mga sindikato ng droga na nakatira sa halos mansion houses dyan sa San Juan City.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang P6 billion halaga ng shabu ay nakuha bahay dyan sa may Mangga St., sa Brgy. Little Baguio,  sa 24 A. Bonifacio St., at sa kanto ng Missouri at Annapolis, San Juan City.

Nanghihinayang ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil walang pang death penalty law sa Philippines my Philippines sana nakasama na rito sina Shi Gui Xiong, Che Wen De, at Wu Li Yong, mga Pinoy na sina Abdullah Mahmod Jahmal, Salim Cocodao Arafat, Basher Tawaki Jamal at sinampayan este mali sinampahan pala ng kaso sa paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang masasabi lamang ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa mga tauhan ng NBI na humuli ay congrats at wait for your reward. Hehehe!

Abangan.

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with