^

PSN Opinyon

Ping, dismayado kay Digong

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAGPAHIWATIG ng pagkadismaya si Sen. Panfilo Lacson, chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs sa pagback-up ni Pres. Rodrigo Duterte sa 19 na pulis na kasangkot sa pagkamatay ni Albuera, Leyte, Mayor Rolando Espinosa. Ito na kaya ang simula nang pagkakaroon ng sigalot sa pagitan ng mga senador at ni President Rody?

Kasi habang papalapit ang muling paggiling ng teleseryeng imbestigasyon sa pagkamatay ni Espinosa at Raul Yap sa Senado dumarami ang anggulong “rubout” ang nangyari. Lumitaw ito sa mga pahayag ni Lacson ng interviewhin sa radyo kamakailan. Una na rito kung bakit nauna pang tinawagan ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng mga raiding team kaysa sa pag-serve ng warrant sa loob ng Baybay, Provincial Jail noong madaling araw ng Nobyembre 5. Bakit nai-serve ang warrant nina Espinosa at Yap ng ganoong oras at ang puwersahang pagpasok sa jail?

Ayon pa kay Lacson, nakaka-dimoralized sa institution ng Philippine National Police kung mangingibabaw ang semplang na estilo ng pagsalakay katulad ng ipinamalas ng mga pulis ng Criminal Investigation ang Detection Group (CIDG)-Region 8 na ikinamatay ni Espinosa at Yap sa loob mismo ng kanilang selda. Ang masakit marahil sa punto ni Duterte na bina-back-apan ang mga pulis CIDG-8 dahil kung titirahin ang mga ito, wala nang pulis na magtatrabaho o makikipaggiyera sa drug lords, pushers at users.

Sa imbestigasyon kasi mga suki, mukhang nagparamdam na ang PNP Internal Affairs Service (IAS) at National Bureau of Investigation na may semplang sa operation ng CIDG-8. Kaya ang katanungan ngayon ng mga Human Rights Advocate kay President Rody, “Hanggang saan kakabigin ni Digong ang mga pulis na nakitaan ng semplang ang aktibidad na nagresulta sa pagkamatay ni Espinosa?” Nakakapanghinayang kasi ang pagkamatay ni Espinosa dahil sa mga ibinulgar nito na mawawalang saysay pagdating sa korte. Paano nga naman makapagsasalita ang patay? Sayang din ang binitiwang salita ni PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa sa publiko noong sumuko si Espinosa sa Camp Crame.

Nabanggit kasi ni Dela Rosa na puprotektahan niya si Espinosa. Ngunit nabalewala ito matapos mapatay ng CIDG team si Espinosa sa loob ng selda, hehehe! Ganyan din kaya ang kasasapitin ni Kerwin Espinosa oras na dumating dito sa bansa? Sana nama’y huwag na mangyari kay Kerwin ang kinasapitan ng ama na matapos na ituga ang mga kasangkot sa pagpapalaganap ng droga. Dapat lamang na doblehin ang bantay kay Kerwin kapag dumating ito sa bansa. Hindi lamang mga “narco politician” ang nais tumumba sa kanya kundi mga sindikato sa droga na na-estafa. Ganyan kasi ang sinasapit ng pushers/users na binabaril ng mga riding-in-tandem. Kaya mga suki, Huwag bibitiw sa paggiling ng Senado na pinamumunuan ni Senator Lacson dahil namimintog na rin ang Committee ni Sen. Richard Gordon sa extrajudicial killing. Abangan!

PING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with