Supalpalan sa Kongreso
Haharangin daw ng ilang kongresistang kontra sa panukalang pagpapabalik ng ‘death penalty,’ na gustong itulak ni presumptive Prez Digong Duterte sa Philippines my Philippines laban sa mga halang na kaluluwang kriminal.
Sabi nga, bigtihin sila!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi magiging madali para sa mga kasangga ni Digong Duterte sa Kongreso ang gusto niyang ipagawa para maging batas muli ang ‘death penalty’ dahil may ilang mga kongresista ang haharang sa gusto niyang linya.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dalawa sa mga kongresista na hayagan ang pag-ayaw sa pagbabalik ng ‘death penalty’ ay sina House Speaker Sonny Belmonte at Buhay party-list Lito Atienza na hayagan ang pagtutol noon pa man sa nasabing butas este mali batas pala para ibalik ito.
Ika nga, iyong ibang kongresista ay hindi pa naman nagpapakita ng pagkontra sa ‘death penalty’ pero sa pagbubukas muli ng Kongreso sa May 23, tiyak magkakapormahan na dito ang may gusto at tutol na mga kongresista.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dehins daw solusyon ang ‘death penalty’ para maresolba ang mga karumal-dumal na krimen na nangyayari ngayon sa Philippnes my Philippines tulad ng mga kasong panggagahasa at pagpatay sa mga biktima nito, pagbebenta o pagtutulak ng shabu at iba pang illegal drugs, massacre, paggahasa sa mga paslit at marami pang iba.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, magandang labanan ito sa plenaryo ng Kongreso ang mga pabor o tutol sa ‘death penalty’ para muling maging batas dahil tiyak ang umaatikabong debatihan tungkol dito.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, imbes na ibalik ang parusang kamatayan dapat na lamang ayusin o tutukan ng todo ang ‘criminal justice’ sa Philippines my Philippines.
‘Siguro kung mananalo ang ‘death penalty’ system sa Philippines my Philippines mas mainam sampolan ay iyong mga miembro ng pulisya na patong sa mga karumal-dumal na krimen,’ sabi ng kuwagong sundot kalikot.
Abangan.
Lim versus Erap sa Manila
GUSTO ng grupo ni dating Manila Mayor Fred Lim na ipawalang-bisa ang proklamasyon ni Mayor Erap Estrada na nanalong alkalde sa Manila.
Sabi nga, may diumano’y iregularidad at violation sa Omnibus Election Code.
Naku, patay!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ibig ng mga supporters ni Lim na magsama-sama ang mga ito at mag-umbagan este mali mag-ambagan pala kahit pa piso,piso lamang para muling magsagawa ng bilangan ng boto ang COMELEC para malaman kung sino talaga ang nanalo noong Mayo 9.
Sa ginawang pagsasampa ng reklamo ni Lim et al kabilang sa pinangalanang respondents sa 16-na-pahinang petisyon sina Estrada, mga miembro ng City Board of Canvassers, mga election officers na sina Atty. Athonette Aceret, City Prosecutor Edward Togonon, School Superintendent Wilfredo Cabral.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ginilitan este mali giniit ni Lim, na pinagbatayan nila ang talamak na vote-buying bago ang Mayo 9, 2016 at ang paglabag sa Republic Act 9639 at Resolutions 10050 at 10083 ng mga tumayong BoC na nag-proklama kay Erap sa kabila ng ‘con-compliance’ pa sa probisyon ng batas para sa pagproproklama.
Nasilip din diumano’y ang vote buying o ang sinasabing pamumudmod ng kampo ni Erap ng may 7,532 tablets sa mga teacher at on-teaching personnel sa San Andres Sports Complex.
Ang diumano’y food subsidy ng may 150,000 senior citizen na sinasabing tig- P350, ang isang bag ng food items na umabot sa halagang P52 million.
‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago.’
Abangan.
- Latest