^

PSN Opinyon

Death by hanging

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

IYAN ang gustong ipatupad ni president-elect Rodrigo Duterte kapag binuhay ang parusang bitay. Bigtihin ang mga buktot na criminal lalu na yung  sangkot sa droga, panggagahasa na may kasamang pagpatay at iba pang  nagsasapanganib sa kaligtasan ng mamamayan.

Kaya umaapela sa kanya si dating Human Rights Commissioner Loretta Ann Rosales na ibasura ang ide­yang buhayin ang bitay dahil labag sa karapatang pantao. Pero ang tugon ni Duterte, isatabi muna ang human­ rights alang-alang sa pambansang seguridad.

Alam nang madla ang paninindigang iyan ni Duterte pero siya pa rin ang ibinoto. Kasi marahil, talagang desperado na ang mga Pilipino sa mga talamak na krimen na nangyayari sa bansa. Napapansin natin ang kaibhan ni Duterte sa ibang mga tumakbo sa pagka-pangulo. Hindi sila makapaghayag ng pagsuporta sa bitay sa takot na  itatakwil sila ng simbahang Katoliko.

Sa kanyang press briefing sa Davao City kamakalawa, Inisa-isa ni Duterte ang mga plan of actions niya na may kinalaman sa centerpiece agenda ng kanyang pamahalaan na pagsugpo ng kriminalidad at pagpapasigla ng ekonomiya.

Siguro, sa unang pagkakataon ay magkakaroon tayo ng isang presidenteng walang diplomasya at walang kina­tatakutang sector basta’t maipatupad lang niya ang inaakala niyang tama.

Tayong mga naniniwala sa human rights at implementasyon ng rule of law ay tututol dito tiyak. Pero ano magagawa natin ngayong siya na ang magiging Presidente sa susunod na buwan?

Sabi niya, handa siyang mapatalsik sa puwesto kung mali ang ginagawa niya. Matagal na tayong nagha­hangad ng “political will” sa panig ng administrasyon. Ngayon naman, sobra-sobrang political will ang ipinakikita ng taong ito.

Well, look and see na lang tayo at baka sakaling magdulot ng positibong reporma ang estilo ni President-elect Duterte. Sa mga iskalawag na pulis ay mayroon siyang banta: Silang lahat ay bubuo ng puwersa na  itatalaga sa Sulu para lumaban sa Abu Sayyaf at yung mga makikidnap ay hindi tutubusin. Mukha naman siyang sinsero pero sabi nga, it looks like he is reading on a dangerous ground.

 

 

2016 SEABA STANKOVIC CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with