^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Parusang bitay dapat lang ibalik

Pilipino Star Ngayon

ISANG linggo na ang nakararaan, isang batang babae ang ginahasa ng ka-live-in ng kanyang ina. Pagkatapos gahasain ay pinatay pa ang biktima. Nahuli­ ang rapist at umamin sa krimen.

Kamakailan, isang estudyante ang hinoldap sa pampasaherong dyipni at pilit na kinuha ang kanyang cell phone, lumaban ang biktima pero sinaksak siya ng isa sa mga holdaper. Naaresto ang holdaper ng mga nagpapatrulyang pulis.

Noong Linggo, P400 milyon na halaga ng shabu ang nasamsam sa pitong tao sa Bgy. Guyong, Sta. Maria, Bulacan. Nagpanggap na bibili ng shabu ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga suspek at nagkaroon ng bayaran at dito naaresto ang drug traffickers.

Bukod sa mga nabanggit na krimen, marami pang nangyayaring malalagim na krimen sa bansa. At nagpapatuloy sapagkat wala nang takot ang mga criminal. Habambuhay na parusa ang ipina­pataw at kung maimpluwensiya ang criminal, maari pang makalaya o kaya naman ay nagbubuhay-laya rin sa Bilibid sapagkat kayang tapalan ang mga corrupt na opisyal at jailguard.

Pero maaaring malasap na ng mga criminal ang mabigat na parusa kapag nagkatotoo ang balak ni presumptive President Rodrigo Duterte. Gusto ni Duterte na ibalik ang parusang bitay at hindi lamang simpleng parusa ang nais niya sa mga gagawa nang karumal-dumal. Gusto ni Duterte na sa pamamagitan ng pagbigti (hanging) ang parusa sa mga mapapatunayang criminal.

Sabi ni Duterte sa isang press conference kamakalawa sa Hotel Helena sa Davao City, nais niyang sa pamamagitan ng “pagbigti’ ang parusa sa drug traffickers at mga rapist. Hihilingin daw niya sa Congress na ibalik ang death penalty at ito ay sa pamamagitan ng pagbigti. “’Yung hanging, once the spine is ripped off inside, wala na. Just like putting off a light,” sabi ni Duterte.

Wala nang takot ang mga criminal sa kasalukuyan. Gagawin nila ang anumang gusto nila lalo pa’t high sa illegal na droga. Wala nang pangimi kung umutang ng buhay. Dapat lamang sa mga guma­gawa ng karumal-dumal at nagtutulak ng illegal na droga ay patawan ng parusang kamatayan.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with