^

PSN Opinyon

Ilegal ang pagkatanggal sa trabaho

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

KALAGITNAAN ng 1996 nakapasok si Pedro bilang driver ng EASI, isang kompanyang may negosyo ng pagtatayo ng billboard at advertising signs. Madalas siyang nasususpinde dahil sa pagpasok ng late at malimit na pag-absent.

Dalawang insidente lamang na nangyari noong 2000 ang dokumentado. Ang una ay ang abisong may petsang May 15, 2000 na sinususpinde siya ng dalawang araw dahil sa hindi niya pagsipot sa trabaho nang walang abiso at aprubadong leave of absence mula May 12 hanggang May 15. Dahil dito hindi nakapunta sa job site ang iba niyang kasamahan dahil walang driver. Ang pangalawang insidente ay pagsuspinde sa kanya noong May 12, 2000 dahil sa pagsugod niya sa Outright Division at pananakot sa mga nagtatrabaho roon na sasaktan kung hindi ititigil ang kanilang trabaho.

Nang bumalik sa trabaho si Pedro noong May 25, 2000 pagkalipas ng isang linggong suspension, nagulat siya nang pigilan siya ng guwardiyang pumasok sa loob at inabot sa kanya ang termination letter na may petsang May 20, 2000 sa kadahilanang sumusunod: 1.) Ang hindi niya pagpasok sa trabaho ng dalawang araw nang walang paalam at leave na hindi naaprubahan; 2.) Ang insidenteng nangyari sa Outright Division kung saan sinugod niya ito at tinakot ang mga taong nagtatrabaho; 3.) Ang madalas na pagiging late niya sa pagpasok.

Tama ba ang pagkakatanggal kay Pedro?

MALI. Kinakailangang may makatwirang dahilan at dumaan sa tamang proseso bago pa tanggalin sa trabaho ang isang empleyado. Nararapat din na bigyan ng pagkakataon ang isang empleyado na idepensa ang sarili at patunayan na wala siyang sala ayon sa Labor Code. Ang tamang proseso ay ang pagbibigay ng employer ng dalawang written notice na nagsasaad:

1.) Ang mga alegasyon o paratang kung bakit siya maa-ring tanggalin sa trabaho; 2.) Ang pangalawang sulat kung saan nakasaad ang decision ng management na tinatanggal siya sa trabaho matapos siyang bigyan ng sapat na panahon mula nang matanggap niya ang unang sulat, upang sagutin ang alegasyon at ipagtanggol ang sarili.

Hindi tama ang proseso nang pagtanggal kay Pedro. Bagama’t hindi ikinaila ni Pedro ang mga dahilan, hindi man lamang siya binigyan ng babala ng EASI tungkol sa tatlong paratang sa kanya. Ang notice na natanggap ni Pedro ay ‘yung May 20, 2000 lamang na nagsasabing tanggal na siya sa trabaho base roon sa tatlong mga rason. Hindi rin maaring ituring na termination notice ang sulat noong May 15 at 17, 2000 dahil ang nakasaad dito ay ang kanyang suspensiyon at hindi ang pagkatanggal niya sa trabaho. Ang pananakot na ginawa niya sa Outright Division ay hindi rin dahilan upang siya’y tanggalin dahil sinuspinde na siya sa pagkakamaling ito.

Ilegal ang pagkatang­gal kay Pedro kaya dapat siyang bayaran ng P271,673.08 at 10% attorney’s fees (Erectors Advertising Sign and Amoroto vs. NLRC, G.R. 167218, July 2, 2010)

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with