^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Daming taong gobyerno na sangkot sa shabu

Pilipino Star Ngayon

BUMABAHA ang shabu sa kasalukuyan. Halos araw-araw ay may sinasalakay na drug den at shabu laboratories ang drug enforcement agency. Kahapon, isang drug den ang sinalakay ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Malate, Manila at nakakumpiska nang maraming sachet ng shabu na nagkakahalaga ng milyong piso. Pitong tao ang naaresto sa raid.

Kamakailan lamang nang salakayin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang townhouse sa Sta. Cruz, Manila kung saan nakakumpiska ng 36 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P256 milyon. Naaresto naman ang isang dating intelligence ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nang abutan ito ng mga operatiba sa lugar kasama isang Chinese na diumano’y interpreter.

Ayon sa report, lalo pang babaha ang shabu ngayong panahon sapagkat ang perang nakukuha sa droga ay itutustos sa mga kakandidato sa May elections. Pipilitin ng drug syndicates na manalo ang kanilang kandidato para maging matatag ang kanilang kalagayan sa drug business.

At nakababahala naman ang report ng PDEA na marami palang taong gobyerno, kasama ang elected officials ang naaresto noong nakaraang taon dahil sa pagkakasangkot sa illegal drug trade particular ang shabu. Sabi ni PDEA chief Arturo Cacdac Jr. sa isang interbyu, na totoong nag-e-exist na ang narco politics sa bansa. Ayon kay Cacdac, 200 taong gobyerno na kinabibilangan ng elected officials ang naaresto ng PDEA noong nakaraang taon. Noong 2014, umabot umano sa 180 government personell ang kanilang naaresto dahil sa illegal drug trade.

Nakaaalarma ang nangyayaring ito na nakapasok na nga ang narco politics sa bansa. Kung hindi mag-iingat ang mga botante sa pagboto at ang titingnan ay ang dami ng pinamumudmod na pera ng kandidato, tiyak na swak sa drug lord ang bansa at sila magpapatakbo.

Ang maigting na kampanya laban sa drug syndicate ang nararapat para matapos na ang pamamayagpag ng mga salot sa lipunan. Masisira ang bansa kapag hindi sila nalipol.

ANG

ARTURO CACDAC JR.

AYON

CACDAC

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

CRUZ

DRUG

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

KAHAPON

KAMAKAILAN

MASISIRA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with