^

PSN Opinyon

Grace under Pressure

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

BILIB ako sa tatag ni Sen. Grace Poe. Kahit inuulan ng mga kaso sa kanyang pagiging “pulot” at maging sa isyu ng kanyang pagkamamamayan, nananatili ang kanyang composure.

Maayos siyang makisalamuha sa mga mamamayan at sagutin ng may kompiyansa ang mga tanong hinggil sa kanyang agenda at ng kanyang Galing at Puso Team. Angkop nga sa kanya ang pangalang Grace because she can keep her grace in the midst of extreme pressure.

Higit na nakatutuwa ang mga tsimis na malaon nang kumakalat hinggil sa tunay na magulang ng Senadora. May lumabas umanong resulta ng DNA test na nagpapatotoo na magkamaganak si Sen. Bongbong Marcos at si Grace. Matagal na kasing bulung-bulungan na ang tunay na tatay ni Grace ay ang dating Presidente Ferdinand E. Marcos na ama ni Sen. Bongbong, sa isang bantog na aktres nung araw. Huwag na nating pangalanan ang aktres na iyon na marahil ay narinig na nang marami. At mayroon ding tsismis na anak si Grace ng yumaong Cardinal Jaime Sin. Grabe talaga!  Nakukuha lang na tawanan ni Grace ang mga “mali-tang” ito.

Maraming tao ang gustong matuldukan na ang palaisipan tungkol sa tunay na nasyonalidad ng nangungunang kandidato sa pagka-pangulo ng bansa.

May mga pamilya mula sa Guimaras na handang  magpa-DNA test para lang patunayang Pilipino si Grace. Very thankful naman ang Senadora sa mga taong ito na nagpapakita ng pagmamalasakit. Very vocal siya at appreciative sa mga taong ito.

Nananatili ang katanungan na bakit walang lumutang na ganyang isyu laban sa kanya nang siya ay unang tumakbo sa pagka-senador? Umabot pa sa Korte Suprema ang pagpapasya sa mga kasong isinampa laban kay Grace.

Well, naniniwala ako na may puso an gating histisya at magiging positibo para kay Poe ang labang ito.

ANG

ANGKOP

BONGBONG MARCOS

CARDINAL JAIME SIN

GRACE

GRACE POE

KORTE SUPREMA

MGA

PRESIDENTE FERDINAND E

PUSO TEAM

SENADORA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with