^

PSN Opinyon

“Ihaw-ihaw...Tusuk-tusok”

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

(Unang Bahagi)

SUNTUKAN, AMBAHAN matapos humupa ang kapusukan isang lalaking duguan at nakahandusay sa semento ang nakita.

“Apat silang nakasuhan at dalawa ang nahuli habang nagtago naman ang dalawa. Patay ang anak ko tapos wala man lang piyansa o pagdinig na nangyari,” ayon kay Marieta.

Namatay sa saksak ang anak nina Melvin at Marieta Bernardino nang mapasama ito sa isang gulo.

Ayon sa salaysay ni Melvin Bernardino na ibinigay kay SPO1 Joel Mendoza sa himpilan ng pulisya sa lungsod ng Cabanatuan noong ika-pito ng Abril 2014.

Sina Donald Buyo alyas Tuts, Gemar Jhon Alvaro y Buyo-18 at isang alyas Juan na labing pitong taong gulang lamang ang sinasampahan niya ng kaso dahil sa pagkamatay ng kanyang anak na si Marxin. May isa pa raw siyang hindi nakikilala (John Doe).

Abril 7, 2014 bandang alas siyete ng gabi habang kumakain ng ihaw-ihaw sa kalsada si Melvin ay napansin niyang dumaan sina Donald, Gemar, alyas Juan at lalaking hindi niya kilala. Pasugod ang mga ito kay Mark Anthony Teodoro na napag-alaman niyang ang mga ito pala ang humarang kay Mark Anthony.

May narinig siyang ingay at gulo nang makalapit ang grupo nina Donald sa kanyang mga pamangkin at anak na si Marxin at sila ay nagpang-abot at nagsuntukan.

“Kitang-kita ko kung paano sinugod ni Donald ang aking anak samantalang nakikipagpambuno naman si Gemar at (alyas) Juan kay Marlon Bryan Bernardino at sa mga kasamahan nito,” ayon kay Melvin.

Lumapit sa mga nag-aaway si Melvin para umawat at mamagitan ngunit kitang-kita niya nang bumagsak ang anak sa semento at nakita niyang duguan ito matapos sugurin ni Donald at pagbibirahin.

Susugurin pa sana nito ang kanyang anak pero humarang lang si Patrick Baluyot kaya siya ang nabira nito. Nang lapitan ni Melvin ang anak ay nakita niyang may tama na ito ng saksak sa dibdib at puno na ng dugo.

“Gusto ko sanang habulin si Donald pero nakatakas na sila papalayo at pumasok sa compound ng mga Alvaro. Inambahan pa siya ng suntok ni Richard Alvaro at babatuhin pa ako ni Donald,” sabi ni Melvin.

Sinabihan niya ang mga ito na tingnan ang kanyang anak na nakahandusay at duguan at hindi niya alam kung mabubuhay pa ito. Maya-maya pumasok na ang kanyang mga kausap sa loob ng bakuran ng mga Alvaro at hindi na nila masundan.

Dinala niya ssa ELJ Hospital ang kanyang anak at nagpunta siya sa himpilan ng pulisya upang mag-report. Pagbalik niya ng ospital idinekla­rang ‘dead-on-arrival’ si Marxin.

Ang alam niya lang alitan na namagitan sa kanila ay nang sampahan nila ng kasong ‘Physical Injuries’ si Donald Buyo at Rodolfo Buyo nang bugbugin nito ang kanyang anak at pamangkin na si Arjay Ramos. Ang kaso ay kasalukuyang dinidinig sa Cabanatuan Prosecutor’s Office.

“Maaaring ikinagagalit nila ito at nais nilang gumanti kung kaya’t lagi lagi na lamang gumagawa sila ng away,” ayon kay Melvin.

Inabutan at nahuli naman ng mga rumespondrng pulis sina alyas Juan at Gemar samantalang si Donald ay nakatakas kasama ang hindi niya kilalang lalaki nang tulungan ito ni Richard Alvaro.

Nagbigay din ng kanyang salaysay ang sangkot sa naging gulo na si Mark Anthony Teodoro. Ayon sa kanya bandang alas 6:30 ng gabi habang minamaneho niya ang kanyang tricycle at may sakay na pasahero ay hinarang siya ni Gemar sakay ng motorsiklo nito.

“Kanya itong ni rebolusyon ng rebolusyon na parang naghahamon at nang-iinis pero hindi ko siya pinansin at umiwas na lang ako,” ayon kay Marky Anthony.

Bandang alas siyete habang nakatayo siya sa harap ng kanilang bahay ay dumating at humahangos sina Gemar, Donald, alyas Juan at isang lalaki na hindi niya nakikilala.

“Anong problema?” tanong nito sa kanya.

“Okay na yun. Kaya nga umiwas na ako,” sagot niya sa mga ito.

Sa halip na matigil ang iringan sa pagitan nila ay nagalit pa umano ang mga ito at nang sasaktan siya ay palapit naman sa kanya si Marxin at tinulungan ssiya. Bigla na lang silang sinugod at sinunggaban.

Nang batuhin ni Donald ng bola ang kanyang asawa at sugurin sila ay dun na nagkagulo. Hindi na niya gaanong natandaan ang mga nangyari dahil umiwas na lang siya nang nagkagulo na. Nakita niya na lang na binubuhat si Marxin na duguan para dalhin sa ospital.

Sa salaysay naman na ibinigay ni Patrick Baluyut ay nagpapraktis sila ng sayaw para sa kanilang trabaho nang dumating ang grupon nina Donald. Nangungupahan daw siya sa kina Mark Anthony. Sinita ng mga ito si Mark Anthony at dun na nagkagulo.

“Sinugod ng mga lalaki si Marxin at kitang-kita kong bumagsak sa semento matapos pagbibirahin ng isa lalaki na ayon sa aking mga kasama ay si Donald,” sabi ni Patrick.

Nang makita niyang bumagsak sa semento si Marxin at duguan susugurin pa sana ito ni Donald kaya’t hinarang niya ito. Siya ang inundayan nito ng saksak at sinalag ito kaya sa kanang braso siya tinamaan.

May tumulong sa kanila para awatin si Donald hanggang sa may dumating pa ng mga tao na tumulong sa kanilang makatakas.

Sa pinagsamang salaysay nina Michael Bernardino at Marlon Bryan Raquino na naroon din sa pinangyarihan ng insidente ay nakita nilang bumunot ng matulis na bagay itong si Donald at isinaksak kay Marxin.

Tama ng saksak sa dibdib ang ikinamatay ni Marxin ayon sa nag-eksamin na si Dr. Reynaldo Dave Jr. ‘Chest and Abdomen’, stab wound, right pectoral region measuring 0.8 x 0.4, 5cm from anterior midline, 10cm deep directed posterior wards, downwards and medial wards, piercing the skin, underlying soft tissues and the heart. 2500cc of blood and blood clots were recovered from thoracic cavities.

Kasong ‘Attempted Murder’ ang isinampa ni Patrick habang ‘Murder’ ang isinampa nina Melvin.

“Kami itong namatayan at naagrabyado. Yung dalawang nahuli makalipas ang isang taon pinakawalan. Tama ba naman na ganun ang nangyari, mahina raw ang ebidensya namin,” ayon kay Marieta.

ABANGAN ang mga susunod na detalye sa kwentong ito sa LUNES kung bakit napakawalan ang dalawang akusado sa dalawang kasong isinampa ng mga nagrereklamo. EKSKLUSIBO dito lang sa CALVENTO FILES sa PSNgayon.

(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong mag-text sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618. Maaari rin po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

 

Hotline: 09198972854

Tel. No.: 7103618

ACIRC

ANG

DONALD

ITO

MARXIN

MELVIN

MGA

NANG

NIYA

QUOT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with