^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sa kabila ng mga trahedya nananatili ang pag-asa

Pilipino Star Ngayon

SA survey ng Social Weather Stations (SWS), 93 percent ng mga Pilipino ay naniniwalang magkakaroon sila nang magandang buhay sa papasok na 2016. Punumpuno sila nang pag-asa na matutupad ang kanilang pangarap at magiging maligaya. Pitong porsiyento lamang ang nagsabi na wala silang nakikitang pag-asa at patuloy pa rin ang kanilang paghihirap at pagdurusa.

Sa lahat nang survey ng SWS, ngayon lamang dumami ang mga nagsabing magiging maganda ang kanilang buhay sa darating na taon. Ibig sabihin, marami ang positibo na makakamtan ang kanilang mga mithiin sa buhay. Marami na ang nagwaksi ng mga negatibong pananaw at nanaig ang mataas na pag-asa para sa susunod na taon.

Halos ganito rin naman ang kinalabasan ng survey ng Pulse Asia na ginawa noong Disyembre 4-11, kung saan 89 percent ng mga Pilipino ay nana­natiling mataas ang pag-asa sa pagpasok ng 2016. Naniniwala rin sila na magkakaroon nang malaking pagbabago sa kanilang buhay sa susunod na taon at makakamit ang kanilang mga inaasam. Punumpuno sila ng pag-asa na makaaahon sa kahirapan ng buhay. Ngayon din lang nagkaroon ng survey ang Pulse Asia na mataas ang porsiyento ng mga nani­niwalang maganda ang kanilang hinaharap sa 2016.

Maraming nangyaring trahedya sa bansa ngayong 2015. Unang-una na ay ang Mamasapano massacre noong Enero 25 kung saan 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) ang brutal na pinatay ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF). Humihingi ng hustisya ang mga naulila ng SAF 44. Magkaganun pa man, malaki pa rin ang kanilang pag-asa na makakamit ang hustisya.

Sunud-sunod na bagyo ang nanalasa sa bansa. Sinalanta kamakailan ng Bagyong Nona ang Northern Samar, Bicol region, Oriental Mindoro, Romblon, Nueva Ecija at Pampanga. Mahigit 30 ang namatay at maraming nawasak na bahay at ari-arian. Hanggang sa kasalukuyan, wala pang kuryente sa Pinamalayan, Oriental Mindoro (pinakagrabeng tinamaan ni Nona) at hiling ng mga residente, madaliin sana ang pagbabalik ng power doon.

Maraming trahedyang nalasap nitong 2015 su­balit nananatili pa ring nakangiti ang nakararami at punumpuno ng pag-asa na sasalubungin ang biyaya ng 2016.

ACIRC

ANG

ASA

BAGYONG NONA

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

KANILANG

MARAMING

MGA

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

ORIENTAL MINDORO

PULSE ASIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with