Hinog na si Cong. Amado
ANANG maraming Manilenyo ito na ang tamang panahon para maging alkalde ng Maynila si 5th district Rep. Amado Bagatsing. Tawag nga sa kanya ay “alternatibo” kina incumbent Mayor Joseph Estrada at dating Mayor Alfredo Lim magsisipagtunggali sa mayoralty race sa susunod na taon.
At alam n’yo ba na si PDP-LABAN presidential bet Rodrigo Duterte na mismong nag-endorso kay Bagat-sing ay bilib sa mga programa niya? Ang tinutukoy ko ay ang tinatawag na KABAKA o Kabalikat ng Bayan sa Kaunlaran Foundation na kaagapay ng gobyerno sa pagsugpo ng kahirapan, korapsyon at droga. Kasama rin sa programang saklaw ng kabaka ay ang pagbibigay ng hanapbuhay sa mga nangangailangan. Balita ko, si Duterte ay “niligawan” kapwa nina Lim at Erap para kunin ang suporta pero ang pinili niya ay si Bagatsing.
Kaya dahil sa mga pangit na isyung iyan laban kina Lim at Erap, balita ko’y laging angat si Bagatsing sa mga surveys.
Sabi ng marami, gasgas na ang imahe nina Erap at Lim sa mga taga-Maynila. Hindi kaila sa marami ang banatan at iringan ng dalawang politikong ito lalu na sa isyu ng Torre de Manila at iba pang kontrobersya. Nagtuturuan kung sino ang dapat sisihin at naitayo ang mataas na gusali na nakasisira sa vista ng Rizal Shrine sa Luneta.
Naririyan din ang mga isyu sa towing at clamping, pagtataas ng business at real property tax pati na ang mga kasong katiwalian laban sa dalawang politiko.
Ang pinakabagong kaso laban kay Estrada ay ang umano’y pagsasapribado ng mga pamilihang bayan sa lungsod na ipinoprotesta ng maraming vendors. Si Lim naman ay inaakusahan sa sinasabing maanomalyang kontrata sa mga parking meters sa lungsod.
Mukang umaayon kay Cong. Bagatsing ang sitwasyon Kung baga sa gitarang dating sintunado, ngayon ay nasa tono na at puwede nang gamitin sa pagtugtog.
- Latest