^

PSN Opinyon

‘Karapat-dapat sa 2016’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

DAPAT seryosohin ang darating na eleksyon.

 Hindi ginagawang katatawanan, gaguhan, babuyan, batuhang-putik ng mga personahe sa pulitika.

 Ang masaklap at masahol dito, marami ang natutuwa pa sa mga kaganapan sa bawat lumalabas na balita.

 Tulad ng sinabi ko sa BITAG Live, ang gustong makita ng tao ngayon palang ay ang tapatan ng mga karapat-dapat at nararapat maihalal sa puwesto.

 Kung sa ingles pa, this coming elections we want to see the best, the brightest and the fittest.

 Ayaw nating makita yung mga patalbugan at payabangan ng mga nag-aambisyon sa puwesto sa lahat nang puwesto sa gobyerno lalo na ng mga tatakbo sa pagka-pangulo.

 Kahiyaan na lang kung hindi pa tinamaan ‘yung dalawang presidentiables sa saltik ni dating Pangulong Fidel Ramos. Hindi ko na sila papangalanan pa tutal sila naman ang maiingay ngayon sa line up ng mga tatakbo sa pagka-presidente.

 Diretsahang sinabihan silang umakto at umastang parang mga world class leader hindi parang mga perso-nalidad na nasa likod ng puting tabing o showbiz.

 Ang nakababahala kasi, baka naaaliw na ang mga tao at hindi na nakikita na ang eleksyon ay isang sagradong bagay na dapat igalang.

 Sa halip na maging seryoso, nadadala na lang sa mistulang national past time na akala, parang ordinaryong palabas lang sa telebisyon na ginagawang katatawanan.

 Ang hindi namamalayan, isang araw, magigising nalang ang publiko na ang iniluklok pala natin sa puwesto ay ang mga hindi karapat-dapat.

 Tumingin sa plataporma at karakter hindi lang sa personahe na laman ng balita.   

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

ABANGAN

ANG

AYAW

DIRETSAHANG

HINDI

KAHIYAAN

MGA

NBSP

PANGULONG FIDEL RAMOS

TULAD

TUMINGIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with