^

PSN Opinyon

‘Magsasaka, di-prayoridad’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MAG-IIMPORT na naman ng tone-toneladang met­ri­kong bigas ang gobyerno sa susunod na taon.

May bago ba? Mas prayoridad pa ng gobyerno ang mga dayuhang magsasaka kumpara sa mga kaba­bayan nating literal na hampas-lupa.

Nagpapakandahirap at nagsisikap na magtanim para makapag-ani kahit nawawalan na ng gana.

Tinanggal na nga ng kasalukuyang administrasyon ang kanilang subsidiyang binhi at fertilizer sumabay pa ngayon ang El Niño.

Halatang hindi handa ang gobyerno sa delubyong ito. Nakampante. Nagwalang-bahala kahit na may mga babala na noong nakaraang taon pa.

Kung kailan lang ramdam na ang tagtuyot saka palang sila kikilos. Ang nagdurusa at matinding naa­apektuhan, mga pobreng magsasaka na kumakalam ngayon ang sikmura.

Importasyon sa mga karatig-bansa ang nakikitang pansamantalang solusyon ng pamahalaan sa magi­ging malaking epekto nito sa kakulangan ng suplay ng bigas sa bansa.

Isa na namang band-aid solution na parang hinugot lang sa tadyang ni Sabel sa Ermita. Kung hindi pa aatungal ang mga magsasaka sa iba’t ibang bahagi ng bansa, hindi pa sila maaalarma.

Nakatakdang mag-angkat ng halos isang milyong metrikong toneladang bigas na naman ang Pilipinas sa 2016 kesahodang marami ang nasayang lang at nabulok na bigas sa mga warehouse ng NFA.

Lumalabas, hahayaan nalang ng pamahalaan na umasa at pakainin ang mga Pilipino ng mga dayuhang magsasaka.

Ang dahilan, mas makakatipid daw kapag nag-import kaysa magbigay ng subsidiya.

Nakatipid nga ba o para-paraan lang para kumita. Eleksyon na kasi.

Kayo na ang bahalang bumalanse.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

ABANGAN

ACIRC

ANG

ATILDE

EL NI

ELEKSYON

ERMITA

HALATANG

IMPORTASYON

MGA

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with