^

PSN Opinyon

Mga kuwago saludo sa PNP at Interpol!

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HINDI biro-biro ang hotraba ng mga tauhan ng mga Philippine National Police at Interpol ngayon panahon ng APEC Summit Confe­rence sa Philippines my Philippines halos subsob sila sa kanilang duty assignment kaya tuloy ang iba sa kanila ay hindi na halos makaihi at siempre makapaligo.

Natutuwa ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ‘very secret’ accomplishments ng mga lespu dyan sa isang lugar sa Metro - Manila hindi na natin ipaliliwanag pa basta dapat magkaroon ng promotion ang mga nagtrabaho.

Sabi nga, hindi puede ang sabit!

‘Naging malaliman ang police operation!’ sabi ng kuwagong dukha.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, saka na nila ibabalita ang buong istorya kapag umuwi na ang mga top brass visitors from APEC Summit.

‘Mamamangha kayo at matutuwa sa nangyari kaya lang medyo nakaka-kaba at nakakatakot!’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Unahan na nating saluduhan si NCRPO Director General Joel Pagdilao, for the job well done!

Abangan.

Mayor Kid Peña

Ibinalita the other month ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang diumano’y ‘kalakaran’ sa pilahan ng mga jeepney dyan sa kanto ng J. P Rizal, Pasong Tamo St., hanggang sa may Kalayaan kaya naman sobra ang trapik dito sa madaling araw lang walang trapik.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mismomg MAPSA boys diumano ang kumukunsinti sa ‘pilahan system’ sa ginawang illegal terminal sa nasabing lugar. Take note, Mayor Kid Peña Jr., Your Honor!

Kiniliti ng mga asset ng mga kuwago si Makati Mayor Romulo ‘Kid’ Valderama Peña Jr.,  para gisingin ito tungkol sa illegal terminal dahil ang mga jeepney na naghambalan at nakabalagbag dyan sa Pasong Tamo corner JP Rizal hanggang sa may kanto ng Kalayaan Avenue traffic light, Makati City ang isa sa problema sa kanyang lugar pagda­ting sa usapin ng traffic.

Ang masama kasi todits kumukuha sila ng pasahero sa gitna ng daan at ayaw tumabi o igilid man lang sa may bangketa para hindi maka-istorbo sa mga dumaraan motorista eh ang liit pa naman ng kalsada todits.

Sabi nga, pinupuno pa nila nang mga pasahero ang kanilang jeepney bago umabante.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi nila pinapalagan ang sinasabing ‘kalakaran’ dahil mukhang ito na ang diumano’y nakasanayan ng ilang bugok dyan sa MAPSA at ok lang  sana kung hindi nakaka-abala sa mga motoristang nagdadaan dito ang masama maliit na nga ang kalye nag-balagbagan pa ang mga jeepney todits kaya tuloy trapik as in grabe.

Ibinida ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng pitikin ang ikinukuento natin ay lumuwag ang kalye dahil sa JP Rizal na pinapapila ang mga jeepney at hindi na sa may kanto ng Pasong Tamo, kaya naman natuwa ang mga motoristang naabala sa ginawa ni Mayor Kid kung umaksyon man ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng mawala pansamantala ang illegal terminal sa kanto ng Pasong Tamo dyan naman nagtambakan ang jeepney at tricycle sa may dating karerahan ng Sta. Ana hanggang sa kanto ng JP Rizal kaya ang resulta....traffic din.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sana maglagay ng medyo mahigpit na taga - MAPSA at tikitan ang lumalabag sa batas trapiko  ipatupad ito ng seryoso sa lugar upang hindi maka-abala sa ibang motoristang pumapasok sa kani-kanilang opisina.

‘Ang masama mukhang nawala ang MAPSA sa lugar pero pinalitan ito ng barker para magkaka-kaway at maghihiyaw sa mga pasaherong sasakay sa mga jeepney.’ sabi ng kuwagong haliparot.

Ika nga, isang kamoteng barker na nagkukukumpas sa illegal terminal sa sinasabi natin.

Abangan.

Vice Mayor Isko puntahan mo ito

SANA bago mag-ikot si Manila Vice Mayor Isko Moreno ay puntahan niya muna ang New Panaderos na sakop ng Manila.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kapag nakita ito ni Isko baka siya masuka dahil pagbaba pa lamang niya ng Lam­bingan bridge, Sta. Ana papunta dyan sa may kanto ng Lubiran bridge, Sta. Mesa M.M.

‘Sari-saring problema ang matutunghayan nito sa nasabing kalye andyan ang talyer, kainan sa bangketa, mga sala-salabat na para ng mga jeepney biaheng Punta, Sta. Ana at Barangka, Hulo.

Bakit?

Nagkalat din ang mga illegal vendors na sumasakop sa mga bangketa pati kalsada of course dyan sa papuntang palengke ng Mandaluyong sa Kalentong st., mga tambak na basura echetera kaya naman wala ng madaanan ang madlang people todits at kapag nasanggi mo ang kanilang paninda baka may paglagyan ang makakatama nito.

‘Bago ka umikot kung saan-saan tignan mo muna ito sakop mo Isko para ikaw ang magsabi sa nakita mo!’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

Abangan.

ABANGAN

ACIRC

ANG

ASSET

ATILDE

KUWAGO

MGA

MISMO

ORA

PASONG TAMO

SABI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with