Mga bugok sa barangay ang patong sa droga

LAHAT halos ng nangyayari sa isang komunidad ay alam ng barangay dahil may mga naghahatid sa kanila ng tsimis kasi nga magkakakilala sila sa lugar.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung magbibigay lamang ng malalimang impormasyon ang barangay sa mga autoridad tiyak masusungkit ang mga kriminal partikular ang mga drug pushers at users.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang siste may mga burungoy kawatan ang nakapatong sa operasyon ng droga sa kanilang lugar bukod pa ang iba sa mga ito ay adik din o gumagamit ng illegal drugs.

‘Walang lulusot sa barangay officials sa kanilang lugar dahil mala - James Bond sila kung maniktik sa mga magkakapit-bahay pati takbo ng ipis ay namo-monitor nila.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga barangay officials ang ayaw ang gulo kaya kaunting kibot sa lugar nila eto na ang pulisya.

Ika nga, naka-report agad!

‘May mga burongoy kawatan ang tuwang - tuwa sa nangyayari sa kanyang paligid lalo’t pagka-kuartahan ang usapan wala silang pakialam kung sangkaterba ang adik, patong sa vendors, illegal terminal, mandurukot, pusher, magnanakaw, sugalan at jumper o iyong magnanakaw ng kuryente. Basta huwag lang magkakaroon ng malaking aberya tuloy ang ligaya ng mga lintek !’ ayon sa kuwagong haliparot.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kaya magkakasundo ang mga kurap na pulisya at mga gagong burongoy kawatan sa isang lugar dahil pare-pareho silang nakikinabang sa kalakaran sa kanilang area of jurisdiction.

‘Basta laganap ang droga sa isang lugar tiyak patong ang mga burongoy kawatan at police on the block?’ sabi ng kuwagong binukulan.

Ika nga, ginagatasan nila ang mga pusher oras na may magbigay ng pera tiyak laya agad!

Abangan.

Amulet sa NAIA noon pa uso

NOON pang panahon ni Kulafu uso ang pagdadala ng bala ng mga pasaherong umaalis ng airport dahil para sa kanila ito ay isang ‘anting-anting.’

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, noong mga nakaraan panahon ang ‘bala’ o anting - anting na dala ng isang pasahero ay kinukuha lamang ng mga autoridad dito pagpasok sa initial check - in o sa final boarding  oras na nakita o nakapa sa kanilang mga bulsa, handcarried bags at walang money involved na nangyayari between the passenger and the authorities.

Ika nga, walang kaso at walang kulong!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa lumalalang isyu regarding sa terrorism ipinagbawal na ang pagdadala nito at may kaakibat na kaso, multa, at kulong ang mahuhulihan.

Ika nga, huwag matigas ang ulo!

Ang isyung ikinukuento natin ay noon pa ipinaalam ng mga house reporters sa madlang people para sabihin hindi na puede ang ‘amulet o bala.’

Sabi nga, bawal na!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa bagong penalty sa ‘anting-anting’ issue nakaisip ang mga kamote dito na gumawa ng pera at ito na ngayon ang usapin ‘tanim o laglag bala’ na nagbigay ng malaking kahihiyan at naging talk of the town pa ang ‘worst airport’ dahil sa pinaggagawa ng mga mandurugas.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa hirap ng salapi para magka-pera ang mga bugok sa NAIA umisip sila ng gimik para mas madaling makasalto ng biktima at ang naisip ng mga lintek na ito ang ‘laglag o tanim bala.’

Ika nga, kaunting hukos - pokus pera na!

Sabi nga, magik!

‘Ang pinakamasama dito walang ginagawa ang mga bright na opisyal ng MIAA kundi ang mag-hudas este mali maghugas kamay pala dahil para sa kanila ay tsimis lamang ang mga nababalita.’

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, paano ngayong lumala ang isyu pati mga mambabatas ay sumakay este para sa imbestigasyon in aid of election este mali legislation pala!

Ika nga,  lagot kayo!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may sabwatan sa ‘tanim - bala’ dahil dehins puedeng gawin ito ng isang kamote lamang para magka-pera.

“Kaya ang mga naging biktima ng modus operandi ay nakakaawa dahil walang silang magawa kundi ang magkipag-areglo o magbigay ng salapi sa pangambang maiwanan sila ng eroplano.’

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISM, magagaling mamili ng bibiktimahin ang mga kamote sa NAIA, kumporme sa itsura ang  kinakuartahan nila tulad ng nangyayari ngayon sa ‘worst airport.’ sabi ng kuwagong sinto-sinto.

“Pero ang iba ay pumapalag kaya hayun kulong.’ sabi ng kuwagong aburido.

Ika nga, ang hindi maglagay kaso at kalaboso!

Tanong - sino ba ang nagpauso ng ‘tanim bala’ sa ‘worst airport?’

Sagot - iyan ang dapat kalkalin.

Ika nga, malalim na tanong iyan!

Abangan.

Show comments