Tama ang TUCP
ISA sa malaking problema sa ating gobyerno ay ang sobrang pamumulitika. Halos lahat nang Cabinet officials na hinihirang ng nanalong Pangulo ay mga pulitiko. Ang iba ay kasalukuyang kongresista samantalang ang iba ay dating senador.
Mayroong napapanahong mungkahi ang Trade Union Congress of the Phils. (TUCP) sa pamamagitan ng pangulo at dating senador Ernesto Herrera.
Nais ng TUCP na ipagbawal sa mga trapo o traditional politician ang manungkulan at humawak ng Cabinet position.
Dahil hindi makapag-concentrate sa kanilang Cabinet position ang isang pulitiko na mayroon pang masidhing hangarin maglingkod sa mamamayan kung national position ang kanilang balak tulad ng vice president o senador.
Iminungkahi rin ni Herrera na ideklara at mangako ang mga kumakandidatong presidente na hindi sila maglalagay sa Cabinet positions ng aktibong pulitiko, kung sakaling sila ay manalo.
Okay sa TUCP na hindi maglalagay ng pulitiko sa Cabinet kung sakaling manalong presidente si Vice President Jejomar Binay.
“This is a sensible and practical approach to highly improved governance. We need non-partisan Cabinet members who can put their hearts and minds into their jobs--not preoccupied politicians who simply want to use their Cabinet posts to promote themselves,” ani Herrera.
Ang susunod na presidente ay dapat magtalaga ng may malawak na karanasang chief executive officer na nagmula sa pribadong sektor o civilian bureaucracy bilang department secretaries.
Dapat talaga na ang Cabinet member ay hindi kasapi sa alinmang partidong pulitikal para makapag-concentrate sila sa kanilang mga trabaho.
Kaya magulo ang DOTC ay dahil aktibong pulitiko ang namumuno. “The DOTC is one of the worst performing departments-- whether the problem concerns the breakdown of our light train systems, our deteriorating motor vehicle traffic jams or the congestion of our airports and recurring flight delays,” dagdag ni Herrera.
Dapat sundin ng mga kumakandidatong presidente ang napapanahong mungkahi ng TUCP para sa kabutihan ng public service.
- Latest