NANGHIHINA ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng ibulgar mismo ni Senator TG Guingona, na hindi na biro ang pagpatay ng mga sinasabing paramilitary forces sa mga katutubong mga Lumad dyan sa Mindanao.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi na halos mabilang ng calculator ang mga napatay na mga Lumad sa Surigao del Sur, Davao del Norte, Cotabato, Bukidnon?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung walang aksyon gagawin ang government of the Philippines my Philippines sa report na patayan tiyak lalo itong lalala at mauubos ang mga katutubong ito kaya naman naglalayasan at nagpapalagan na ang mga Lumad sa kanilang lugar.
Sabi nga, isusumbong namin kayo!
Ika nga, dapat silang tulungan.
‘Bakit ba sila pinapatay?’ tanong ng kuwagong tanga.
‘NPA ba sila tulad ng mga ibinabalita?’
Naku ha!
Ano ba ito?
“Ano ba ang mga Lumad?’
Sagot - mga katutubo ito kung ikukumpara sila ang mga indians sa US of A.
Sabi nga, hindi sila Muslim o Kristiano basta madlang Pinoy sila may puso at damdamin na nasasaktan at namamatay.
Tanong - bakit ba sila pinalalayas sa kanilang lugar?
Sagot - may mga interesado kasi sa tinitirikan nila!
Sabi nga, maganda kasi ang lugar nila naroon daw ang iba’t-ibang klase ng mga mineral na mahahanap sa earth.
Tanong - ano ang mainam gawin para matahimik ang mga Lumad?
Sagot - paalisin at imbestigahan ang paramilitary forces todits.
Abangan.
AGMA - MCI konsierto sa Greenhills
MAGPA- fundraising concert ang naisip ng AGMA-MCI Alumni Association, Inc., ng Naujan, Oriental Mindoro, sa Music Museum, Greenhills, San Juan City, sa November 20, 2015, Friday, 8:00 PM, sa pangunguna ni Atty. Biyong Garing, pangulo ng AGMA - MCI.
Ang concert dubbed as SKETCHES OF JAMES, mga kantang pinasikat ni James Taylor, ay bibirahin nina Atty. Bong Baybay, Mon Espia, Jimmy Bondoc, Paolo Santos and Noel Cabangon kasama ang Electric Tuesday Band.
Ang kikitain ng konsierto ay gagamitin karagdagan sa ipapatayong covered court para magamit ng mga present and future students ng Agustin Gutierrez Memorial Academy (AGMA) na dating Mindoro Central Institute (MCI).
Umaasa si Kuyang Biyong sa pagtangkilik sa concert na ito mula sa mga alumni AGMA-MCI, sa mga kababayang taga Mindoro, sa mga brethren sa Freemasonry, mga kaibigan at mga kamag-anak.
Congrats Kuyang Biyong for a noble purpose.
Good luck ang pagbati ng Chief Kuwago sa mabuti mong hangarin.
God Bless.