^

PSN Opinyon

MTPB: Mandarambong

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

SA limang araw ng Highway Patrol Group (HPG) sa EDSA, may nakitang pagbabago sa trapiko. Naalis ang illegal parking­ at vendors. Sumaludo ang sambayanan sa sinabi ni HPG director C/Supt. Arnold Gunnacao: “Ang kalye ay sa sasakyan samantalang ang bangketa ay sa tao at ang pagdisiplina sa mga drayber ay sa kanyang mga matitikas na tauhan.” Wala siyang sinino maipatupad lamang ang utos ng kanyang mga boss. Ang masakit umaray ang mga kurap na taga-city hall, barangay officials, pulis at MMDA dahil nawala ang kanilang pinagkakaperahan, hehehe! Okey na sana ang deployment ng HPG subalit sinabayan sila ng pagsungit ng panahon noong Martes kaya naparalisa ang mga kalye sa Metro Manila. Mara­ming nagutom sa paglalakad at napuyat sa magdamag na trapik. Anim na oras na usad pagong ang daloy ng mga sasakyan kaya naintriga ang HPG. Tumukod ang trapiko mula Magallanes hanggang Mall of Asia. Bukod kasi sa baha, walang traffic enforcers­ na nakita sa mga intersection ng Pasay at Parañaque na umasiste sa motorista. Natakot mabasa at magkaalipunga ang mga tauhan ni Pasay mayor Antonio Calixto at Parañaque Mayor Edwin Olivarez.

Maging sa Maynila ay nagkabuhul-buhol ang trapiko dahil wala rin sa kalye ang mga mandarambong na Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB). Subalit ang kapuna-puna, sa madaling araw na kung saan iilan na lamang ang bumibiyahe sa kalye, may mga MTPB personnel ang nakikipagpatintero sa mga truck sa Lawton. Malinaw na pera-pera lamang ang kanilang hanap at hindi serbisyong publiko. Di ba mga suki! Pres. Noynoy Aquino, pakiburiki po ang sindikato ng enforcers­ ng mga local officials. Kasi kung sa EDSA inalis mo si Tolentino dahil sa walang kalutasang trapiko, ba’t hindi rin alisin ang mga Doberman ng mga pulitiko na walang ginawa kundi mangotong na sinasahuran pa ng taxpayers. Imulat mo ang iyong mga mata dahil ang HPG ay hindi kayang paluwagin­ ang EDSA kung walang pagmamalasakit ang mga metro mayors. Kasi ang pagluwag ng EDSA ay nakasalalay­ sa malasakit ng mga mayor. Ipaalis mo ang mga illegal parking­, sidewalk vendors sa bawat intersection ng EDSA at lagyan ng pulis o barangay tanod ng hindi na ito makabalik. Tiyak na luluwag ang kalye at nasisiguro ko, landslide ang iyong mga kandidato sa 2016 election.

ACIRC

ANG

ANTONIO CALIXTO

ARNOLD GUNNACAO

ATILDE

HIGHWAY PATROL GROUP

KASI

MALL OF ASIA

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

MAYOR EDWIN OLIVAREZ

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with