Hotlines: 09198972854
Tel. Nos.: 7104038
KADALASAN KAPAG KAIBIGAN MO ay nasasangkot sa isang napakalaking kaso, parang hindi ka makapaniwala. Parati natin silang binibigyan ng tinatawag na ‘benefit of the doubt’ dahil nga akala mo kilala mo na siya yun pala, hindi pa rin lubusan.
Si Ex-Commisioner ng Bureau of Immigration (BI) Roy Almoro ay kamakailangan sabit sa resolusyon na inilabas ng ating Ombudsman na si Conchita Carpio-Morales.
Ano, si Roy Almoro ay kasabwat sa pagpapakawala ng ‘notorious’ na tao na isang TERRORISTA?
Si Roy Almoro na inaasahan ng maraming taga San Pedro City na nag-aambisyon na tumakbo bilang Alkalde ng Bagong Lunsod ay haharap sa Sandigan Bayan kaladkad ang kahihiyan para sa kanyang bayan?
Eka. Baka naman nagkamali. Pero malinaw na sinuri ng Office of the Ombudsman at ng kanyang mga ‘special prosecutors’ at nakitaan ng batayan para ihabla si Almoro kasama ang walo pang opisyales ng BID sa pamumuno ng kanilang Commissioner na si Marcelino ‘Nonoy’ Libanan.
Ang base ng pitak na ito ay ng aprubahan ng ating Ombudsman ang demandang ‘Graft’ ng tatlong dating commissioners at anim na empleyado ng Bureau of Immigration (BI) na may kaugnayan sa tinagurian nila ‘deportation for sale scam’ na naging dahilan ng pagkakatakas ng hinihinalang Vietnamese-American na terorista sampung taon na ang nakakaraan.
Ayon sa Ombudsman ang dating Commissioner na sina Teodoro ‘Roy’ Almoro at Jose Cabochan ay lumabag sa Section 3(e) ng Republic Act. No. 3019—ang Antigraft and Corrupt Practices Act—nang iutos nila ang pagpapa-deport kay Vo Van Duc isang hinihinalang terorista na pinaghahanap ng United States Government noong Mayo 2005 pa.
Sinabi ni Ombudsman Carpio-Morales na may ‘probable cause’ para ipagpatuloy ang kasong kriminal laban sa tatlong dating opisyal para sa pagbibigay ng ‘medical passes’ at ‘Summary Deportation Order’ (SDO) kay Duc na nahatulan sa bansa ng ‘Unlawful Manufacture and Possession of Explosives’.
‘Ang SDO sa simula pa lamang ay kasiraan hindi nito pagdaan sa tamang proseso na nakasaad sa mga kautusan ng BI rules,” ayon sa Ombudsman.
Maliban sa mga dating Commissioners, kinasuhan din ng Graft at Violation of Article 224 of the Revised Penal Code sina BI Civil Security Unit Chief Wendy Rosario, dating BI Chief of Staff Alejandro Fernandez, dating Security Escort Francis Agana, ex-confidential agent Joselito Pagaduan, ex-warden Noel Espinosa and former legal aide Richard Perez.
Maari rin naman siguro gawan ng ‘lifestyle check’ itong mga ito at unahin na si Almoro na sa lugar niya ay nakapila ang tao at nagpapamigay umano ng tulong lalo na sa ilang mga Punong Barangay na gusto nga kasing tumakbo bilang Alkalde ng San Pedro City.
Maari din naman gawin ito ng ating kagalang-galang na Commissioner ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na si Kim Henares.
Malawak ang manukan ni Almoro sa San Pedro at ito’y mga panabong na manok na hindi bababa sa sampung libong piso ang isa.
Isama na natin ang pinaghihinalaan ‘condominium’ ni Almoro na nung una hindi raw alam ng kanyang asawa. Marami ang nakakaalam nito lalo na ang isang dating SK Chairman na ang ‘code name’ ay ‘Poison Ivy’ isang halaman na gumagapang sa bakod at kapag hinayaan paliligiran ito at bago mo mamalayan nakakapit na ito at mahirap tanggalin.
Si Libanan naman ay pinapaniwalaan nakatunog sa lalabas na resolusyon at ang ginawa ng taong ito ay lumipad na umano sa papuntang Amerika at iniwan si Almoro at kanyang mga kasama upang harapin ang kaso. Kapag napatunayang may kasalanan sila at nahatulan ilang ‘medya noche’ ang itatagal niya sa kulungan at lahat na yata ng ‘Christmas Carols’ ay maisasaulo at makakanta niya.
Nasabit lang ba talaga itong si Almoro sa isang kaso wala siyang kinalaman? Malinaw ang sinasabi ng resolusyon na pirmado ni Conchita-Morales;
“Apparently, the medical passes issued by Delarmente had no basis but the ‘request’ made by Van Duc himself. Further, the medical passes made it possible for Van Duc to leave the BI Detention Center and enjoy the comforts of staying in an apartelle. All these respondents, conspiring with Delarmente, acted with manifest partiality and evident bad faith in giving Van Duc unwarranted benefit,” stated the Resolution.
On the other hand, Delarmente, Almoro, Cabochan, Fernandez and Perez were found to have violated the rules in summary deportation proceedings when the SDO was issued based on an outdated 4-year old charge sheet and without the conduct of any semblance of a hearing by the commissioners, which facilitated Van Duc’s escape from the country.
Sino ba si Roy Almoro? Dati siyang Representante nung ika-siyam (9) na Kongreso ng Republika ng Pilipinas (1992-1995).
Nagtapos siya ng abogasiya at nung mga panahon ni dating Secretary of Justice Raul M. Gonzalez (pumanaw na) siya ay Executive Director of the Immigration Bureau.
Kapag tinignan mo sa internet o sa Wikipedia ang kanyang ‘profile’ nakasulat dun na siya ay isang ‘dignified man’ na nagpapakita ng katapangan at sinceridad para maiiwas ang ating mga kababayan na maging biktima ng mga banyaga na dinadala sila sa ‘United Arab Emirate Countries’ at iba pang mg bansa na pinapangakuan ng magagandang trabaho ngunit sa bandang huli ang bagsak nila ay mga Household Service Workers (HSW) o DH na minamaltrato at binabarat ang sweldo.
O, ayos naman pala si Almoro. Ano nangyari (anyare) at nasabit siya sa usapin ng isang ‘International Terrorist’ at sa pagpapalaya nito kahit na may kaso dito sa Pinas?
Paano na ngayon ang ambisyon niya para sa San Pedro City na giginhawa ang buhay ng mga taga roon eh magiging abala siya sa pagtatanggol sa kanyang sarili.
Ilang ulit kong tinawagan ang numero ng kanyang cellphone subalit hindi niya sinasagot ito. Gusto ko sanang marinig mula sa kanya ang kanyang panig sa kasong ito.
PARA SA ANUMANG REAKSIYON o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.
Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.
*HAPPY BIRTHDAY MAMA MARY*