^

PSN Opinyon

Iba na talaga ang trapik ngayon

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HUMIHINGI pa ng pag-unawa ang Palasyo sa lahat hinggil sa napakasamang trapik na nagaganap halos araw-araw sa Metro Manila. Noong Biyernes, napakasama ng trapik. Nataon na Biyernes, at sahod pa kaya marami ang gustong magtungo sa mga mall, kainan at inuman para mag-enjoy ng kanilang pinaghirapang pera. Dahil sa trapik, may mga hindi na umabot sa NAIA at hindi na nakalipad. May ulat na walong oras ang tagal ng trapik sa mga pangunahing kalsada tulad ng EDSA at C5. Lahat ay dahil sa mga malalaking proyektong ginagawa tulad ng Skyway.

Hindi siguro dapat pinagsasabay ang sahod at Biyernes. Lahat ng insidente ng matinding trapik ay nagaganap sa kumbinasyong ito ng sahod at araw ng Biyernes. Dapat siguro pag-aralan ng mga kumpanya, pati na ring ng gobyerno na huwag nang ipagsabay. Sa ibang araw na lang ibigay ang sahod. Para matuto na ring mag-ipon at hindi nagagastos ang malaking bahagi ng sahod sa isang araw lang. At kailangan na lang talagang magtiis hanggang sa matapos ang mga malalaking proyekto.

Ganito rin naman ang dinaanan natin noong ginawa ang mga LRT at MRT, pati na rin ng mga flyover sa EDSA. Ang EDSA noon ay isang mahabang kalsada na may mga traffic lights sa malalaking intersection. Ang malaking pinagkaiba lang ay mas maraming sasakyan sa kalsada ngayon kaysa noon. Maraming kumpanya na ng sasakyan ang nasa bansa, hindi tulad noon, at agresibo sa kanilang pagbenta ng sasakyan. Ganyan nga ang kaunlaran. Mas maganda kung nadadagdagan din sana ang mga kalsada, na planong gawin itong mga darating na taon. Isa na rito ang kalsada na magdudugtong ng NLEX at SLEX, para hindi na kailangang bumaybay ng EDSA ang mga sasakyan na nais lamang makarating sa kabilang expressway. Pero kung kailan masisimulan ito ay hindi pa alam.

Mukhang kailangan talagang magtiis pa nang husto, at magplano nang maayos para hindi naiipit sa nakatutuyong dugong trapik. Kung may biyahe, umalis ng mas maaga kaysa sa nakasanayang oras ng pagbiyahe sa kalsada. Matagal pa bago matapos ang proyekto sa may NAIA kaya dapat alam na palaging trapik na sa lugar.

 

ANG

BIYERNES

DAHIL

DAPAT

GANITO

HINDI

LAHAT

METRO MANILA

MGA

NOONG BIYERNES

TRAPIK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with