^

PSN Opinyon

Pumalpak ang zipper lane ng MMDA

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

LALO lang nabuwisit ang mga motorista nang magsagawa ang MMDA ng zipper lane sa tapat ng Mega Mall going to Makati, kamakailan.

Bakit?

Sagot - lalong nag-traffic dahil kumain nang isang lane sa EDSA ang mga sasakyan puera mga buses patungong Makati kaya ang nangyari ang papuntang Kyusi ang nabanas dito dahil sa trapik.

Ika nga, grabe as in grabe!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat ipakalat nila ang mga constable ng MMDA sa kahabaan ng EDSA both side at makipagpulong sa PNP para magamit ang Highway Patrol dahil ang mga ito ang isa sa kinatatakutan ng mga abusadong driver lalo na ang mga bus drivers.

‘Kaya ng HPG disiplinahin ang mga abusadong driver nang bus para maiwasan ang pagkuha ng pasahero sa gitna, pagbalagbag echetera.’ sabi ng kuwagong matino.

Abangan.

Senado laliman ang imbestigasyon - QCEC

KAILANGAN busisiin at imbestigahan sa Senado ang problema ng Quezon City Eye Center sa diumano’y pinalobong mga gatas este mali datos pala regarding sa desisyon ng Philippine Health Insurance Corporation na suspindihin ang pagbabayad para sa reimbursement sa panggagamot ng QCEC sa mga pasyente nito.

Ayon sa reklamo ng QCEC, ang aksyon ng PhilHealth ay hindi diumano makatarungan sa mahahalagang nagawa ng center sa mga ginagamot nitong mga pasyente.

Sabi ni QCEC - CEO at President Dr. Raymon Evangelista na mali raw ang mga datos na iprinisinta ng mga opisyal ng PhilHealth dahil diumano’ y pinalobo lang ito nang milyon-milyun para suportahan ang desisyon nito.

Birada ni Evangelista, dehind naging malinaw ang bagay na ito at walang ginawang anumang imbestigasyon at isa itong malaking problema sa kabiguan ng PhilHealth na maitama ang mga maling datos. Tama ba, Senator TG Guingona, Your Honor?

Ayon sa mga assest ng mga kuwago ng ORA MISMO, ibi­nibida ng PhilHealth na ang QCEC ay merong total reimbursement na P156 milyon noong 2014.

Pinasinungalingan ito ni Evangelista, tumanggap lang sila mula sa PhilHealth ng P110 milyon kasama na ang sa professional fee ng mga duktor.

Naku ha!

Ano ba ito?

Sabi ni Evangelista, na kuwestiyonable ang basihan ng imbestigasyon dahil ang top ten list na ipinalabas ng PhilHealth ay sumasaklaw lang sa maliliit na center at puwera ang cataract surgeries na ginagawa sa iba’t-ibang ospital.

Binatikos din ni Evangelista ang pahayag ng PhilHealth na merong nakabimbing kaso ang QCEC sa health insu­rance provider ng pamahalaan.

“Nakakatiyak ako na maiiba ang listahan kung itutuwid ng PhilHealth ang mga datos na ito at isama ang reimbursement sa mga ospital,” banat ni Evangelista.

Sabi ni Evangelista, hinihintay niya ang aksyon ng Committee on Administrative Cases Against Health Care Providers and Members  ng PhilHealth mula pa noong 2010 pero hanggang ngayon ay walang nangyayari.

Bakit kaya?

Sinabi pa ni Evangelista na nasira ang reputasyon ng QCEC dahil sa ginawang hakbang laban dito ng PhilHealth.

Nababahala si Evangelista sa libu-libong cataract patients na karamihan ay senior citizen na automatic co­vered ng PhilHealth na mahihirapan ngayon makahanap ng eye clinic para sa kanilang libreng cataract surgery dahil walang ibang magagawa ang mga eye clinics tulad ng QCEC kundi ihinto ang pagtanggap sa mga PhilHealth members matapos ipitin ang pagbabayad sa kanila.

Paano ngayon ito?

Ayon kay Evangelista, nagtataka siya kung bakit ang mga eye clinics diumano ang pinag-initan umano ng PhilHealth na sumisingil lamang ng P16,000 gayung mas mahal ang singil ng mga malalaking ospital para sa katulad na cataract surgery.

Sabi nga, mukhang anti-poor?

Abangan.

ABANGAN

ACIRC

ADMINISTRATIVE CASES AGAINST HEALTH CARE PROVIDERS AND MEMBERS

ANG

AYON

BAKIT

EVANGELISTA

MGA

PHILHEALTH

QCEC

SABI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with