Tuwid nga ba ang daan?
IYAN ang katanungan ni Jail Inspector Angelina Bautista ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa sulat sa akin. Aniya, ibig niyang linisin ang BJMP sa isyu ng “double budget” na diumano’y pinagpapasasaan ng mga mataas na opisyal ng ahensya. Dahil sa paglalantad, tila siya pa ang lumilitaw na masama. Kinasuhan na ni Bautista sa Ombudsman ang mga sangkot na opisyal.
Sa House Resolution 2134 ni Bataan Rep. Enrique Garcia, umusad ang reklamo. Dininig ito ng committee on good government and public accountability ni Rep. Oscar Rodriguez noong July 7, 2015. Sa deliberasyon, inamin ni Gen. Alfredo Soliba, dating Regional Director ng BJMP Region 3 na sa dalawang buwan niya bilang director, P315 lang (bawat preso) ang ibinibigay ng BJMP national office. Ito raw ay dahil 35 pesos lamang ang binibigay ng Provincial government ng Bataan. Tahasan itong pinabulaanan ni Rep. Garcia na dati ring Governor ng lalawigan. Ani Garcia, mula 2010 hanggang ngayon ay 50 pesos ang ibinibigay ng Bataan sa bawat bilanggo ng provincial jail na ngayon ay Bataan district jail. Saan napunta ang 15 pesos gayung maliwanag sa MOA na ang Bataan provincial government ang nagpapakain sa mga bilanggo. Nasaan ang 35 pesos sa P50 na nirequest sa DBM ng BJMP?
Sa statement ni BJMP director Mamaril inamin niya na lahat ng district jail na dating provincial jail ay pinaglalaanan ng national government ng 50 pesos bawat preso at ang provincial government ay sumusuporta lang. Nakalimutan yata ni Mamaril na nakipagpirmahan sila ng moa sa mga provincial government na habang wala pang batas na nagsasalin sa provincial jail sa pamamahala ng BJMP, ang provincial government pa rin ang tutustos sa pagkain ng mga preso. Pero aniya, wala daw irregular dito dahil wala namang coa report. Kaya sa susunod na hearing ay bubusisiin na rin ang COA.
Malinaw ang double budget diyan sa tingin ko. Isa mula sa DBM at ang isa ay mula sa local na pamahalaan. Sa susunod na hearing ay mga dati at incumbent regional direktor ng BJMP Reg. 3 at at wardens ng Bataan ang aanyayahan sa House probe. Naghihinagpis si Bautista dahil inisyuhan siya ng retirement order kahit hindi siya retireable. Aniya “only in BJMP na di na kailangan ang mga dokumento gaya ng clearances para maisyuhan ka ng retirement order and worst sa BJMP lang pinipilit magretiro ang isang personnel.” Aniya, ito kaya ay dahil isa siyang tinik sa lalamunan ng mga opisyal?.
- Latest