Sino si Irene ‘huli horror’ sa BOC?
HINDI biro ang salaping kinita ng isang alyas Irene ‘huli horror,’ matandang tinari sa Bureau of Customs dahil ‘peacetime’ pa lamang ay sangkot na ito sa smuggling operation up to now sa bureau kaya naman saksakan ng yaman ito ngayon. Paging BIR Commissioner Kim Henares, Your Honor!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung kalkalkalin ang libro ni alyas Irene ‘huli horror’ ay makikita dito na hindi siya nagbabayad ng tamang buwis sa mga kargamentong inilalabas nito sa Customs.
Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang mga luxury car na nabili ni Irene ‘huli horror’ dahil sa smuggling operation tulad ng BMW, Benz, Ford E150, Lexus, mini - cooper, Nissan Type Z, Toyota Camry, Audi, Toyota Altis, Hi-lux at Innova, Ford Everest bukod pa sa mga trucking nito at mga mamahaling motorsiklo tulad ng Harley Davidson at Ducati.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa isang lugar sa Makati ang limang palapag na haybol ni Irene ‘huli horror.’
‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago sa susunod ang mga patong sa BOC ni alyas Irene ‘huli horro at ang mga pinasibak niya dito.’
Abangan.
Pinoy ba o Malaysiano sina Murad at Iqbal?
THE other day ay nananakot este mali nagbabala pala si Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles, Ad Hoc Committee member sa Kamara, na busisiin munang mabuti ang alingasngas este alegasyon pala ni dating SILG Raffy Alunan na parehong Malaysiano sina MILF Chairman Al-Haj Murad Ebrahim at MILF peace panel Chairman Mohagher Iqbal.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang krimen oras na pinagtibay ng Kamara ang Bangsamoro Basic Law at napatunayan hindi Pinoy sina Murad at Iqbal, ang dalawang matataas na official ng Moro Islamic Liberation Front, kaya nananawagan si Nograles sa mga kongresista ng Ad Hoc Committee on the BBL na tignan mabuti ang alegasyon ni Alunan.
Bakit?
Sagot - ‘treason’ daw ito?
Tirada ni Nograles, kailangan makalkal ng husto kung talagang mga pinoy sina Murad at Iqbal bago ipagpatuloy ang pagtalakay sa BBL.
Ika nga, dapat!
Ibinida ni Nograles sa mga kuwago ng ORA MISMO, puedeng makasuhan ng krimeng treason ang Kamara dahil sa pagbenta ng pinya este mali soberanya pala ng Philippines my Philippines sa mga dayuhan.
Ayon kay Alunan, gumagamit daw ng Malaysian passport at talagang mga Malaysian national diumano sina Murad at Iqbal kapag naglalakbay ang mga ito sa ibang bansa?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Banat ni Nograles, dapat itong imbestigahan agad bago pa man ipagpatuloy ang deliberasyon sa BBL.
Sabi ni Nograles, kung totoong gumagawa tayo ng BBL law para sa mga Malaysian, tayong mga nasa Kongreso ay nakakagawa ng krimeng treason.
Birada ni Nograles, mas nakabuti ang suhestiyon ni House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte na palawigin ang Ad Hoc Committee on the BBL nang dalawa pang buwan para mapag-aralan ng husto kung mas makakabuti ito sa pambansang interes ng Philippines my Philippines.
Abangan.
Happy 29th Anniversary Ang Pilipino Star Ngayon
NGAYON araw, March 17, 2015, 29 years na Ang Pilipino Star Ngayon na nababasa ng madlang people sa Philippines my Philippines, kaya naman ganito rin ang edad ng Chief Kuwago sa number 1 pahayagan na ito nang tayo’y pumasok dito.
Binabati natin, si Lord, Miguel Go Belmonte and family na nagbigay ng break at tiwala sa Chief Kuwago, ang lahat ng mga kasamahan natin sa office ng ‘Happy Birthday’ at sa madlang people na walang sawang tumatangkiling sa Ang Pilipino Star Ngayon.
Mabuhay kayo!
- Latest