^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Maraming salamat sa pagtitiwala

Pilipino Star Ngayon

NOONG nakaraang Pebrero 19, tumanggap ng parangal ang Pilipino Star NGAYON bilang “Best Filipino Newspaper of the Year” mula sa 13th Gawad Tanglaw. Ito ang ikatlong sunud-sunod na parangal na tinanggap ng PSN. Ginanap ang awar­ding sa University of Perpetual Help System DALTA sa Las Piñas City.

Isang malaking karangalan ang mapiling pinaka-mahusay na pahayagan. Marami pong salamat sa inyong pagtitiwala.

Ngayong araw na ito, ipinagdiriwang ng PSN ang ika-29 na anibersaryo. Mahabang panahon na rin ang nilakbay ng PSN mula nang itatag noong Marso 17, 1986, isang buwan makaraang makalaya ang ma­mamayan sa diktadurya. Maraming pagsubok ang naranasan at nalampasan ng PSN. Dumanas nang maraming problema: Kahirapan, malalakas na bagyo, baha, habagat, tagtuyo, kaguluhan at kung anu-ano pang mga hadlang. Pero sa kabila ng mga ‘yan, narito pa rin at matatag ang PSN. Patuloy na naghahatid nang mga maiinit na balita, patas na komentaryo, mga kuwentong may kalidad, nakaaaliw at kapana-panabik na balitang showbiz at sports. Ipinagkakaloob ng PSN ang lahat nang makakaya para masiyahan ang mambabasa at ito ang susi kaya nangunguna ang PSN.

Ang pagiging No. 1 ng PSN  ay hindi naman mang­ya­yari kung wala ang mga mahal na mambabasa. Kung wala ang mga masusugid na mambabasa, hindi mangunguna ang PSN. Nang ilunsad ang pahayagang ito, marami ring pahayagan ang inilunsad. Nagkaroon ng kumpitensiya. Pero sa dakong huli, ang PSN pa rin ang natira at ang mga kakumpiten-siya ay nagsitiklop na. Isang patunay na malakas ang suporta ng masa sa pahayagang ito. Marami pong salamat sa inyong pagtitiwala.

Hindi rin naman susulong ang PSN kung wala ang mga tagapagtaguyod na advertisers. Walang pahayagan na nagtagumpay kung wala ang suporta ng advertisers. Napakalaki nang nagagawa ng advertisers para ganap na umunlad at lumaki ang pahayagan. Marami pong salamat sa pagtitiwala.

At sino ang makakalimot sa mga masisipag na newspaper agents at mga newsboy. Nakikita sa kal­ye ang PSN dahil sa kanila. Kahit na bumabagyo at bumabaha, nariyan sila para ihatid ang PSN. Walang hanggan ang aming pagtanaw ng utang na loob sa inyo. Hindi namin ito malilimutan.

Maraming salamat po sa inyong pagtitiwala. Iingatan namin ito.

vuukle comment

BEST FILIPINO NEWSPAPER OF THE YEAR

GAWAD TANGLAW

ISANG

LAS PI

MARAMI

MARAMING

PSN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with