^

PSN Opinyon

Hati ang opinion ng ilang politiko kay Enrile

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

BUMUTI ang kalagayan ni Senator Juan Ponce Enrile matapos itong itakas este mali itakbo pala sa Makati Medical Center from PNP general hospital si Senator Juan Ponce Enrile para malapatan ng kaukulang lunas at masuri ang dinaramdam nito the other day.

Sabi nga, thank you, Lord!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, gumalaw ang mga kaalyado ni Enrile ng malaman nila ang nangyari sa dating Senate President ng itakbo ito sa pribadong ospital para malapatan ng kaukulang lunas pabor silang isailalim na lamang sa ‘house arrest’ ito dahil age niyang 91 years old.

Sabi nga, for humanitarian consideration!

Naku ha!

Bakit?

Sagot - ‘for humanitarian consideration JPE should be allowed to a house arrest at that advance age and condition. He needs proper care at home,’ tirada ni Senator JV Ejercito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, iminumungkahi ni  Senator Tito Sotto, na dapat ng pagbigyan ang house arrest o “out on bail” para kay Enrile na kabilang sa tatlong senador na nahaharap sa kasong plunder kaugnay sa pork barrel fund scam.

Kinontra ni Senato Antonio Trillanes IV, ang gustong mangyari ng ibang kaalyado ni Enrile dahil dapat daw na panatilihin na lamang sa ospital ito kaysa isailalim sa house arrest.

Bakit?

Sagot -  mas maaalagaan si Enrile sa ospital lalo pa’t mahina na ang kanyang kalusugan.

“I believe that a hospital is still the best place to take care of his fragile health,” birada ni Trillanes.

Abangan.

 

Region 3 paihi multi billion scam

ILANG nilalang ni Satanas lamang ang nakikinabang sa multi billion peso racket sa mga ‘paihi’ o iyong mga ninanakaw na gasolina dyan sa Region 3 kasabwat ang mga bugok na opisyal ng pulisya sa region 3 kaya up to now ay hindi matigil ang scam na ito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang Mike ‘baboyon’ alyas Mike ‘berdugo’ ang kumukumpas ng ‘paihi’ sa ilang bayan ng Bataan, gamit ang diumano ang mga pangalan ng mga opisyal ng pulisya dito? Take note, Bataan PD Supt. Atienza, Sir!

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ikinanta ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang operasyon ng paihi nina alyas Pedro at a.k.a Velasco ng Barangay Alangan, Limay Bataan, isang alyas Malen, alyas Salvador at alyas Marilou, Norma, at alyas Aquino.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa Barangay Toyo Balanga, Bataan, isang alyas Bogs at alyas Violago ang tumitirada ng paihi rito.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga kamoteng ito ang bigtime nag-o-operate ng paihi sa Bataan kakampi ang mga bugok na miembro ng Philippine National Police kaya hindi mahuli sa kanilang ginagawa.

‘Million piso kada isang araw ang kita ng mga kamoteng ito at ang partihan ay lingguhan para hindi uminit ay tagong - tago ang operasyon paihi sa Bataan.’ sabi ng kuwagong urot.

‘Marami pang lugar ng paihi sa Region 3!’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Abangan.

ABANGAN

ALYAS

AYON

BAKIT

BARANGAY ALANGAN

ENRILE

PAIHI

SENATOR JUAN PONCE ENRILE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with