^

PSN Opinyon

NAIA, ala-martial law

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang parang martial law ang pamamalakad ngayon ng mataas na opisyal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Cong. Samuel Pagdilao Jr. ng ACT-CIS Partylist, Antonia “Peachy” King, Gavino Cruz, Hermie Catig, Jojo Robles, Liza Arroyo, Nilda Gamatero, Conrad Logarto, Errel Maitan at Krisbel Domingo Lapuz ng Canada.

 Alam n’yo bang sinibak sa tungkulin ang isang opisyal ng NAIA dahil lamang sa kanyang comment sa Facebook tungkol sa mga napatay na 44 na SAF Commandos?

Ayon sa aking bubwit, nagalit ang isang mataas na opisyal ng NAIA sa kanyang tauhan dahil lamang sa isang word sa Facebook. Ito ay may kaugnayan sa hindi pagsalubong ni Pres. Noynoy Aquino sa bangkay ng 44 SAF troopers sa Villamor Airbase.

 Dahil inuna pa ni P-Noy ang pagtungo sa blesssing ng planta ng Mitsubishi Motors sa Sta. Rosa, Laguna sa halip na sumalubong sa mga napatay na SAF commandos, siya ay nag-comment ng “EXCUSES” sa kanyang Facebook.

Nakarating ito sa top official ng NAIA. Nagalit ang opisyal at sinibak ang tauhan dahil sa Facebook. Kaya paalala sa mga empleado ng pamahalaan, mag-ingat sa pagpo-post ng mga komentong may patama kay P-Noy o sa gobyerno at baka tanggalin din kayo sa trabaho.

Ayon sa aking bubwit, ang sinibak na opisyal ng NAIA ay ang long-time chief ng NAIA Public Affairs Division na si Connie Bungag.

Grabe naman si General, parang nagpapatupad ng martial law sa airport.

AYON

CONNIE BUNGAG

CONRAD LOGARTO

ERREL MAITAN

FACEBOOK

GAVINO CRUZ

HERMIE CATIG

JOJO ROBLES

KRISBEL DOMINGO LAPUZ

LIZA ARROYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with