^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Hinayaang mamatay

Pilipino Star Ngayon

IPINAGPATULOY ang Senate inquiry kahapon ukol sa Mamasapano clash at lumilinaw na nagkaroon ng kapabayaan sa panig ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) kaya nalagas ang 44 na police commandos. Nalantad na walang koordinasyon sa bawat isa kaya ang ang nagdusa ay ang mga kawawang SAF members na kakarampot lamang ang mga suweldo. Habang nakikipagbakbakan sila sa napakaraming MILF katulong ang BIFF, walang pagkilos ang AFP at tuliro naman ang PNP na hindi malaman ang gagawin. Imagine, mula alas-singko ng madaling- araw hanggang alas-tres ng hapon noong Enero 25 ay buong giting na nakipagbakbakan ang mga miyembro ng SAF subalit hindi sila nasaklolohan at huli na o marami nang nalagas sa kanila bago pa sila nadaluhan. Hinayaan silang mamatay sa gitna ng maisan.

Bagama’t inako na lahat ng dating SAF commander Director Getulio Napeñas ang responsibi­lidad, hindi pa rin kumbinsido ang mamamayan sa kanyang mga ipinahayag. Tila may kulang pa sa kanyang mga sinabi ukol kay suspended PNP chief Dir. General Alan Purisima. Bagamat siyang mag-isa ang nagpasya sa pagsalakay, si Purisima naman daw ang nag-provide ng impormasyon. Si Purisima rin daw ang nag-utos sa kanya na huwag sabihin kay Acting PNP chief Dir. Gen. Leonardo Espina at DILG Sec. Mar Roxas ang operasyon.

Sabi pa ni Napeñas, humingi naman siya ng tulong sa Armed Forces noong nagbabakbakan na pero walang dumating na tulong. Ayon pa kay Napeñas, malapit lamang ang kampo ng mga sundalo sa lugar. Sabi naman ng AFP, hindi raw sila makapagpaputok sapagkat hindi nila alam ang lokasyon ng mga kalaban. Wala rin daw malinaw na pagkumpirma sa SAF. Isa pa raw, baka mayroong tamaang sibilyan.

Pero nang magsalita si Sen. Alan Peter Cayetano halatang galit ito sa AFP sapagkat lumalabas na mas iniingatan pa raw ng sandatahang lakas na huwag masira ang usapan sa MILF kaysa saklolohan ang mga magigiting na SAF na noon ay wala nang mga bala at unti-unti nang inuubos ng mga kalaban.

Nagkaroon ng kapalpakan sa operasyon. Nilihim ng PNP dahil sa utos ni Purisima, maling pasya ni Napeñas, at kamalian ng AFP na huwag damayan ang mga commandos kahit alam na nila ang ope­rasyon sa lugar. Sila ang may kagagawan kaya nalagas ang mga kawawang SAF.

ALAN PETER CAYETANO

ARMED FORCES

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

DIRECTOR GETULIO NAPE

GENERAL ALAN PURISIMA

LEONARDO ESPINA

MAR ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with