^

PSN Opinyon

Lungsod na pala ang Mandaluyong

ORAMISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

THE other week pinitik natin ang Mandaluyong dahil sa tingin ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, probinsiya pa ito hanggang  sa ngayon dahil sa dumi, walang displina, grabe ang vendor at illegal terminal.

“Ano ang nangyari?’ tanong ng kuwagong urot.

Sagot - last week napadaan ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa Mandaluyong at nakita natin na malaki na ang pinagbago nito mula ng makanti si Mandaluyong Mayor Benhur Abalos dahil nalinis ang Kalentong at nawala ang teminal ng mga tricycle at mga sasakyan nakaparada sa both sides na nagiging dahilan ng heavy traffic.

Sabi ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, nagpapasalamat sila at puede pala naman linisin ang Mandaluyong para magmukhang Lungsod kaysa noong nakaraan mga araw na para itong probinsiya.

Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, ‘action man’ pala si Mayor Abalos mabilis itong kumilos kapag nalalambing sa dyaryo. Hehehe!

Tanong - Mayor Abalos, kamustahin mo naman ang ‘casino’ na sinasabing nandyan sa Pioneer St., corner Madison St., para naman may maibalita ka o maisagot sa mga kuwago ng ORA MISMO.

Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, ayaw daw ni Mayor Abalos ng casino sa kanyang lugar pero maraming bright ang kumulit sa konseho at ang usapan dito ay ‘slot machine’ lamang ang ilalagay.

‘Ano ang nangyari ngayon?’ tanong ng kuwagong dinaya.

‘May mga table card na ngayon dito.’

‘Ano ngayon?’ tanong ng kuwagong kumita.

‘Casino na ang itinayo sa Mandaluyong at ang nakakapagtaka pa bakit madilim sa labas.’

Ika nga, ano ang itinatago?

Abangan.

Mamasapano massacre

HINDI biro ang mga namatay sa mga member ng Philippine National Police  Elite Special Action Forces (PNP - SAF), ng ratratin nang mga rebeldeng grupong Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) at ng MILF sa may Barangay Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao, the other day.

Bakit?

Sagot -  dahil may ‘mission impossible’ regarding sa law enforcement operations ang grupo ng SAF para kunin ang sinasabing ‘high - valued’ targets nila at kunin ang sinasabing Jemaah Islamiyah, members na involved sa mga pambobomba.

Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, nakakatakot ang nangyari sa gobierno kaila­ngan pang makipag-coordinate sa mga ito grabe talaga kaya hayun aabot na yata sa 50 ang mga namatay at hindi lang basta pinatay kundi sabog-sabog ang mga ulo nito matapos tamaan nang mga matataas na uri ng mga baril.

Sabi nga, ang baril ng mga SAF ay nauwi sa mga bandido.

“Ano ngayon ang gagawin dito ng gobierno?’ tanong ng kuwagong namatayan.

‘Parang ganyan din ang nangyari sa mga miembro ng Philippine Marines na tinambangan at niratrat.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

‘Ano ang nangyari sa kanila?’

‘Wala ! Inilibing lang.’ sabi ng kuwagong mananakla.

‘May mangyari kaya rito?’

Kamote, ikaw ang sumagot niya!

‘Hindi birong usapin ito?’

Abangan.

ABANGAN

ANO

AYON

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTER

BARANGAY TUKANALIPAO

ELITE SPECIAL ACTION FORCES

MANDALUYONG

MAYOR ABALOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with