^

PSN Opinyon

Puwedeng-puwede

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

MALUGOD na tinatanggap ng legal profession ang 11-3 decision ng Supreme Court sa disqualification case laban kay President Mayor Joseph E. Estrada.

Mula pa man nang maumpisahan ang debate tungkol dito ay matimbang na ang pananaw na ang binigay sa kanyang pardon ay buong-buo.

Ang isyu ng pardon ay hindi talaga mahiwalay sa anumang argumento tungkol sa kanyang capacity to run – maging para sa lokal o national na panunungkulan. Kung kaya ang desisyon ng Supreme Court ay pagtuldok na sa natitirang pagkalito tungkol sa kanyang karapatang pulitikal. Buong-buo na itong kinilala at inaprubahan ng siyang may huling desisyon sa lahat.

Hindi lamang legal ang pagkapanalo ni President Erap sa laban na ito. Isa rin itong moral victory. Sa lahat ng ating mga national leaders sa ngayon, si President Erap na ang may pinaka-makulay na kasaysayan. Hindi kayang tapatan o tawaran ang tindi at dami ng hamon na kanyang kinaharap. At wala itong tinakbuhan o inatrasan sa lahat ng pagsubok na dinaanan. Tao niyang tinanggap ang hatol ng taong bayan, kahit pa nang ito’y maging kontra sa kanyang interes.

Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi siya kailanman iiwanan ng kanyang mga supporter. Mapusok siyang maglingkod, magmahal at lumaban. Ganoon na lamang ang tindi ng paghanga ng kanyang loyal fans na kahit saan siya mapadpad ay lagi siyang makakaasa sa kanilang pagtaguyod. Ito ang basis kung bakit nasabi ni Sen. Grace Poe na si President Erap ay “always relevant”.

Moral victory din ito dahil pamemersonal na ang magpumilit sa kuwestiyon ng kung maari niyang habulin muli ang puwestong ipinagkait sa kanya.

Tinanggal siya sa pagka-Pangulo wala pang dalawang taong nakalipas sa kanyang anim na taong termino.

Pangatlong beses na yata itong pagkuwestiyon sa kwalipikasyon niyang tumakbo. Nagsalita na ang taong bayan at nagsalita na rin ang Korte Suprema, ang dalawang pinakamahalagang boses sa lipunan.

Kung naisin niyang tumakbong muli, both legally and morally ay puwedeng-puwede itong gawin.

BUONG

GANOON

GRACE POE

ISA

KANYANG

KORTE SUPREMA

PRESIDENT ERAP

PRESIDENT MAYOR JOSEPH E

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with