^

PSN Opinyon

From sardinas to salmon

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

ITO ay true story ng isang salesgirl na itiniwalag na ng SM Sukat, Parañaque, dahil siya ay umabot na ng 28 years old.

Itago na lang natin siya sa pangalang 555 sapagkat sila ay pinapipirma ng mga kontrata na hanggang 5 months lamang ang tagal.

May patakaran kasi ang ahensya at SM na huwag na i-rehire kapag 28 years old na. Inabot din ng 8 years ang tinagal ni 555 sa SM.

May asawa at dalawang anak si 555, ang isa ay 8 years old at ang isa naman ay 7 years old. Ang mister ni 555 ay truck driver at napagtanto ng dalawa na kulang na kulang ang suweldo ni mister lalo na’t pumapasok na sa school ang kanilang mga anak.

Nag-apply si 555 ng trabaho bilang domestic helper sa Qatar ngunit may usapan na may salary deduction sa kanyang monthly salary.

Kaya masuwerte na kung kikita si 555 ng P9,000 a month. Iiwanan ni 555 ang pamilya sa Pilipinas para lamang kumita ng kapiranggot sa malayong lugar.

Hindi isolated case ito. Libu-libo ang dumadanas ng ganitong pang-aabuso araw-araw sa dami ba naman ng giant malls sa bansa, mga chain restaurants, factories at iba pa na nagpapairal ng contractualization.

Ito ay maliwanag na paglabag sa security of tenure clause ng Constitution at ng Labor Code.

Ang 555 ay isang brand ng sardinas. Kaya si 555 na naging domestic helper na ay balang araw ay magmimistulang salmon dahil di ba ang mga salmon ay umaalis sa lugar ng kanilang pinanganakan at kapag nasa tamang laki na ay pumapalaot kung saan sa bandang huli, bumabalik silang lahat sa lugar na pinanggalingan para tuluyan nang mamatay.

Ganito ang masaklap na kalagayan ng ating mga uring mangagagawa. Pinagsasamantalahan sa sariling bayan at ganoon din kapag nangibang bansa. Ang kapalaran nila ay hindi malayo sa kapalaran ng mga sardinas at mga salmon.

Tayo’y magkaisa, huwag magpaisa. Sali na sa ROSE Movement, makipag-ugnayan sa text: 09235566056 (Sun), 09198318251 (Smart), 09772010326 (Globe) o mag-email sa: [email protected] at bisitahin ang ating Facebook page www.facebook.com/rosemovementph

FACEBOOK

GANITO

IIWANAN

INABOT

ITAGO

KAYA

LABOR CODE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with