^

PSN Opinyon

First aid sa napaso, nasunog o naputukan

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

First Aid: Nasunog (Burns):

Patuluan ng malamig na tubig ang nasunog na balat sa loob ng 10-15 minuto.

Pagkatapos, puwede tapalan ng kitchen wrap o cling wrap ang nasunog na parte para hindi ito mag-impeksyon. Huwag tapalan ng madikit na tela o tape.

Kung may pag-durugo, diinan ang sugat (apply pressure) ng 10 minuto hanggang sa tumigil ang pagdurugo.

Dalhin ang pasyente sa ospital para mabigyan ng dagdag lunas.

Tandaan: Huwag hawakan ang nasunog na parte. Huwag lagyan ng lotion, cream at kung anu-ano pa. At huwag din puputukin ang blister (lapnos) sa balat.

First Aid: Naputukan o malaking sugat:

Hugasan ng tubig gripo ang sugat sa loob ng 10 minutos.

Linisin ang sugat gamit ang sabon at tubig. Gumamit ng alkaline soap tulad ng Perla o Dove.

Puwedeng tapalan ng kitchen wrap o cling wrap ang nasunog na parte para hindi ito ma-impeksyon. Huwag tapalan ng madikit na tela o tape.

Kung may pag-durugo, diinan ang sugat (apply pre-s­sure) ng 10 minutes hanggang sa tumigil ang pagdurugo.

Dalhin ang pasyente sa ospital. May iba pang puwedeng ibigay sa ospital tulad ng bakuna laban sa tetanus, antibiotics at pag-tahi ng mga sugat.

Kung may naputol na daliri, kunin agad ang naputol na daliri at ilagay ito sa plastic bag na may yelo. Dalhin agad sa ospital at baka maidugtong pa ito ng mga doktor.

First Aid: Nakakain ng paputok (Firecracker ingestion)

Pakainin ang pasyente ng hilaw na egg white. Sa mga bata, pakainin ng 6 egg white. Sa mga matatanda, bigyan ng 10 egg white. Makatutulong ang egg white sa pagbawas ng pinsala ng paputok.

Kung hindi gusto ang lasa ng egg white, dagdagan ng orange juice o soft drinks para magkalasa.

Huwag pasukahin ang pasyente. Baka masugat lang ang lalamunan niya.

Dalhin sa ospital para sa tamang gamutan. Huwag din bigyan ng oxygen at baka sumabog pa ang paputok.

First Aid: May Dumi Sa Mata (Naputukan)

Patuluan ng tubig gripo ang apektadong mata sa loob ng 10 minuto para matanggal ang dumi.

Huwag hawakan ang mata o piliting tanggalin ang dumi sa mata. Ang agos ng tubig lang ang puwedeng gamitin.

Takpan ang mata ng malinis na tela. Dalhin agad ang pasyente sa ospital para ma-check up.

First Aid: Nakalanghap Ng Usok

Dalhin ang biktima sa mahanging lugar. Huminga ng dahan-dahan at malalim.

Kapag nahihirapang huminga, dalhin agad sa ospital ang pasyente.

Sa mga may hika o sakit sa baga, umiwas sa mga mauusok na lugar. Manatili lang sa loob ng bahay o mahanging lugar.

DALHIN

FIRST AID

HUWAG

MAY DUMI SA MATA

NAKALANGHAP NG USOK

NAPUTUKAN

OSPITAL

PARA

PATULUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with