^

PSN Opinyon

Paki-ulit nga lang ng sinasabi mo?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

HUWAG magsalita nang tapos. ‘Yan ang mensahe ng nakakatuwang email. Marami itong ehemplo ng salitang mali pero hindi na mabawi:

• ‘‘Sa pagwakas ng Paris Exhibition (ng 1878), mag­wawakas din ang bombilya na de-kuryente, at wala nang mababalita nito,’’ Oxford Prof. Erasmus Wilson. (Madilim ang isip niya.)

• ‘‘Hindi kakayanin ng rocket makaalis sa atmosphere ng Earth,’’ New York Times, 1936. (Nito lang Nob. 2014 lumanding ang European satellite sa kometa na humaharurot nang 66,000 kilometers per hour.)

• “Ayaw namin ang tunog nila, at palaos na ang tugtog gitara,” Decca Recording Company, sa pagtangging iplaka ang Beatles, 1962.

• “Walang katibayan na mahahalaw ang nuclear ener­gy, dahil ibig sabihin ay basta na lang dudurugin ang atom,” Albert Einstein, 1932.

• “Hindi ‘presidential’ ang dating ni Reagan,” United Artists, sa paglampas kay Ronald Reagan bilang leading man noong 1954 sa pelikulang, “The Best Man.”

 • “Imposible ang matulin na tren; hindi makakahinga, mamamatay sa sakal ang pasaheros,” Dr. Dionysius Lardner, 1830.

• “Sa palagay ko merong lima sa mundo na bibili ng computer,” Thomas Watson, IBM chairman, 1943.

• “Mapapatunayang kalokohan ang x-rays,” Lord Kevin, hepe ng Royal Society, 1883.

• “Mananatili ang kabayo, at lilipas sa uso ang kotse,” payo ng Michigan Savings Bank kay Henry Ford, 1903.

• “Malalaos agad ang TV dahil magsasawa ang mga tao tumitig gabi-gabi sa kahon,” Darryl Zanuck, 20th Century Fox, 1946.

• “Masyadong kumplikado ang telepono para sa komunikasyon; wala itong halaga sa atin,” Western Union internal memo, 1876.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

ALBERT EINSTEIN

BEST MAN

CENTURY FOX

DARRYL ZANUCK

DECCA RECORDING COMPANY

DR. DIONYSIUS LARDNER

ERASMUS WILSON

HENRY FORD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with