^

PSN Opinyon

Kaldero vs Kawali

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

MAY kaibigan ako na masama ang loob sa akin dahil sa mga sinusulat ko laban kay Vice President Jejomar Binay, na kalihim din ng HUDCC, Presidential Adviser on OFWs, Presidente ng Boy Scouts of the Philippines, husband of the former mayor of Makati who is now accused of plunder before the Sandiganbayan, tatay ng kasalukuyang mayor ng Makati, tatay ng Kongresista ng Makati, at tatay ng kasalukuyang senadora.

Sabi ng friend ko, “drag him to court and so be it”. Ang ibig sabihin nito ay tayong mga mamamayan ay walang karapatang  magtanto kung kawatan ba si Binay o hindi, hanggat wala pang desisyon ang korte. At kahit na may desisyon na ang lower court na kawatan nga si Binay ay hihintayin din natin ang pinal na desisyon ng Korte Suprema kung kawatan nga si Binay o hindi.

Huwag din tayong mag-isip na matakaw sa puwesto at kapangyarihan ang pamilyang Binay hanggat wala pang sinasabi ang husgado kung talagang matakaw nga sila sa pwesto at kapangyarihan o hindi kailangan munang “let us drag them to court” para mapagpasyahan ang issue.

Ang maipapayo ko lang sa aking kaibigan ay kaunting patience lang. Sa husgado rin hahantong ang kaso ni Binay at dahil sa sobrang garapal ang overpricing ng Makati parking garage, nakatitiyak ako na life sentence ang aabutin niya.

Huwag na nating pag-usapan ang ibang kaso ni Binay ng katiwalian. Ibalato na lang natin iyon sa kanya na pa­rang senior citizen’s discount dahil sa parking building pa lang ay sapol na siya.

At si dating Makati Vice Mayor Mercado ay lumalabas na maliwanag na kawatan din. Dapat life sentence din ang ipataw sa kanya.

Kaso pala ito ng isang maruming kawali na umaakusa sa isang kaldero na marumi rin.

BINAY

BOY SCOUTS OF THE PHILIPPINES

DAPAT

HUWAG

KORTE SUPREMA

MAKATI

MAKATI VICE MAYOR MERCADO

PRESIDENTIAL ADVISER

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with