^

PSN Opinyon

Magkabilang panig ng batas

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ILANG pulis at opisyal ng MPD-District Anti-Illegal Drugs (DAID) unit ang sinibak dahil sa mga nadiskubreng droga at iba pang kagamitang pan-droga sa kanilang opisina. Nakatanggap ng tip ang MPD na may mga iligal na droga sa DAID kaya nag-spot inspection. Nakita sa mga locker at cabinet ng mga pulis ang mga droga. May nangatwiran pa na kaya nasa locker ay mga natirang ebidensiya mula sa mga nagawang operasyon. Pero ang patakaran ng PNP ay anumang droga na makuha ay dapat ibinibigay sa crime lab. Walang karapatan ang mga pulis na magtago ng droga.

Samantala, nasa tapat lang ng isang kolehiyo sa Laguna ang drug den kung saan nagbebenta ng iligal na droga at ginagamit na ring lugar para magamit ng mga adik. Nagtuturo pa sa kolehiyo ang isa sa maybahay! Ang masama pa, may mga estudyante ng criminology ang nahuli sa drug den! Kaya walang saysay ang kanilang pag-aaral dahil nag-aaral pa lang ay sangkot na sa kriminal na aktibidad. Paano kung maging pulis na sila?

Ayon sa may-ari ng bahay, kaya lang naman sila napilitang magbenta ng droga ay dahil wala na silang kinikita. Tanggap na dahilan ba iyon? Hindi ba naisip ang mga sinisirang buhay? Mga estudyante ang pa-ngunahing target ng nasabing drug den dahil malapit sa paaralan. Pinaghihirapan ng mga magulang para makapag-aral nang mabuti ang mga anak, sisirain lang ng mga pusher. Sana marami pang mahuli ng mga otoridad, dahil tila walang tigil ang mga nagtutulak ng iligal na droga sa kabataan.

Ganito kahirap labanan ang iligal na droga. Bukod sa iligal na droga sa lansangan, ilang pulis ang sangkot sa problema. Ang laban ay nasa magkabilang panig ng batas. Tama lang ang pagsibak sa kanila at sampahan ng mga kaso. Hindi na nga sila nakatulong sa imahe ng PNP, bahagi pa sila sa salot ng droga sa bansa. Magsagawa ng sorpresang pag-inspeksyon sa lahat nang pulis, para mahiwalay ang “scalawags”. Isailalim sa drug testing.

AYON

BUKOD

DROGA

GANITO

ISAILALIM

KAYA

MAGSAGAWA

NAGTUTURO

NAKATANGGAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with